Swiss star pinag-impake na si Venus
MELBOURNE--Kaagad nagparamdam si Belinda Bencic sa Australian Open matapos talunin si 2017 finalist Venus Williams, 6-3, 7-5 sa first round.
Ginamit ng 20-anyos na Swiss ang kanyang matutulis na serve and volley game para gulatin ang 37-anyos na American great papasok sa second round ng torneo.
Lalabanan ni Bencic ang mananalo sa pagitan nina Johanna Larsson at Luksika Kumkhum.
Samantala, maaga namang nasibak si Sloane Stephens, habang nagmartsa si Jelena Ostapenko sa second round.
Nakalasap si Stephens, inangkin ang U.S. Open title noong nakaraang taon bilang World No. 83, ng 2-6 7-6(2) 6-2 kabiguan kay Zhang Shuai ng China.
Nagtala naman ang 20-anyos na si Ostapenko, inangkin ang French Open title noong Hunyo para maging unang Latvian first grand slam champion ng 6-1 6-4 panalo kay Italian veteran Francesca Schiavone.
- Latest