^

PSN Palaro

Alab Pilipinas nagpaulan ng tres sa Bangkok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpa-ulan ng 14 triples ang Tanduay-Alab Pilipinas para tambakan ang Thailand Mono Vampire, 114-87 noong Linggo ng gabi upang masungkit ang kanilang pang-apat na panalo sa pagpapatuloy ng 2017-2018 ASEAN Basketball League sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Ganado ang tropa ni head coach Jimmy Alapag sa umpisa pa lamang at bumanat agad sina Bobby Ray Parks, Josh Urbiztondo at Justin Brownlee tungo sa malaking panalo para manatili sa pang-anim na puwesto sa likuran ng na­ngunguna at nagdedepensang Hong  Kong E­as­tern Lions (7-1), Chong Son Kung Fu ng China (4-1), Saigon Heat (4-2), Mono Vampire (5-4) at Singapore Slingers (5-5).

Sa kanilang run-and-gun game, lumamang agad ng  20-9 ang Filipino team at 32-22 sa unang yugto. Sa mainit na kamay, umabot pa sa pinakama­laking 33 puntos ang agwat ng Filipinos, 104-71 sa triple ni Brownlee mahigit 6:46 pa ang natitira sa laro.

Umarangkada si Urbiz­tondo ng limang triples sa 5-of-10 shooting sa three-point area habang si Parks Jr. ay kumunekta rin ng tatlo sa 3-of-6 at tatlo rin mula kay Brownlee at dalawa kay Pamboy Raymundo at isa kay Rico Maierhofer sa buong laro para maibalik ang kanilang tiwala sa koponan matapos ang kabiguan sa Singapore Slingers noong Miyerkules.

Umiskor ang Pinoy  cagers ng 41 porsyento sa three-point area sa 14-of-34 kaya u­mabot din sa malaking 48 porsyento ang kanilang shooting sa field goal sa 46-of-94 attempts. Dominado rin ng tropa ni coach Jimmy Alapag ang rebound department sa kanilang naita­lang 45 na tumabon sa 38 lang ng Thailand.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with