^

PSN Palaro

Gusto nang tapusin ng Arellano

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibubuhos na ng Arellano University ang buong lakas nito laban sa College of Saint Benilde upang maipormalisa ang pagkopo sa kampeonato sa NCAA Season 93 senior football tournament.

Hahataw ang Game 2 ng best-of-three championship showdown ng Chiefs at Blazers ngayong alas-6 ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium sa Malate, Manila.

Naitarak ng Arellano ang 1-0 kalamangan sa serye matapos kubrahin ang 3-2 panalo sa series opener noong Biyernes.

Nangibabaw sa natu­rang panalo si national team member Jumbel Guinabang na umiskor ng dalawang goals kabilang ang game-winning point sa extra time.

Kaya naman inaasa­hang mas malakas na pu­­wersa ang ibibigay ng Chiefs para hablutin ang ka­nilang ikalawang korona sa liga.

Maliban kay Guina­bang na nasilayan sa Asean Football Federation Championship sa Vietnam, sasandalan din ng Chiefs si Charles Gamutan na siyang nagbigay ng isa pang goal para sa tropa sa Game 1.

Umaasa si Arellano head coach Ravelo Saluria na madadala ng kanyang tropa ang momento sa Game 2.

Sa juniors, puntirya rin ng San Beda na maiselyo na ang kampeonato sa pakikipagtipan sa Benilde-La Salle Greenhills sa alas-4 ng hapon.

Nakauna ang Junior Red Booters sa serye bunsod ng 2-1 panalo sa Game 1.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with