^

PSN Palaro

Lady Altas, Stags unahan sa panalo

Pilipino Star Ngayon
Lady Altas, Stags  unahan sa panalo

Nagdiwang ang nagdedepensang Perpetual Help Junior Altas matapos igupo ang  SBC Red Cubs sa huling laro noong Huwebes sa NCAA Season 93 volleyball tournament. Tangka ng tropang Las-Piñas ang ikatlong sunod na panalo laban sa SSCR-Staglets.
 

 MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang San Sebastian College-Recoletos at University of Perpetual Help System Dalta na makuha ang ikalawang panalo sa kanilang paghaharap ngayon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Lady Stags at Lady Altas sa alas-12:30 ng tanghali habang maghaharap naman ang Mapua University at Lyceum of the Philippines sa alas-11 ng umaga.

Parehong galing sa kabiguan ang Lady Stags at Lady Altas kaya’t desidido ang dalawang tropa na makabalik sa porma.

Kasalukuyang magkasosyo ang San Sebastian at Perpetual Help sa No. 5 spot tangan ang parehong 1-1 marka. Nangunguna ang nagdedepensang Arellano University na may malinis na 3-0 baraha.

Pumapangalawa ang College of Saint Benilde at San Beda  na may magka­tulad na 2-0 rekord habang nasa ikaapat ang Jose Rizal University na nagtatag­lay ng 2-1 karatada.

Matapos manalo sa Emilio Aguinaldo College, balik sa lupa ang San Sebastian nang anihin nito ang 25-27, 23-25, 2-522, 25-16, 12-15 kabiguan laban sa Jose Rizal.

Sa naturang kabiguan, apat na Lady Stags ang nagtala ng double figures sa pangunguna ni Nikka Dalisay na humataw ng 17 puntos at nina Daurene Santos at Joyce Sta. Rita na parehong may 16 markers.

Nagdagdag naman ng 15 puntos si Dangie Encarnacion.

Subalit bigo ang San Sebastian na mahablot ang panalo matapos bumigay sa huling bahagi ng laro.

Malaking pasakit pa ang 44 errors na nagawa nito.

Sa kabilang banda, lumasap naman ang Lady Altas ng 26-28, 18-25, 27-29 kabiguan sa Lady Red Spikers.

Inaasahang ibubuhos ng Perpetual Help ang buong lakas sa pangu­nguna ni middle hitter Maria Lourdes Clemente na nagtarak ng 16 puntos sa kanilang huling laro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with