^

PSN Palaro

Blue Eaglets wala pang talo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada ng Ateneo de Manila University nang ilampaso ang University of Santo Tomas, 78-54 upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Balanse ang atake ng Blue Eaglets kung saan limang manlalaro ang nagtala ng double digits kabilang ang dalawang may double-double para dalhin ang Katipunan-based squad sa ikawalong sunod na panalo.

Nahulog sa 5-3 baraha ang UST na nakakuha ng pinagsamang 26 puntos mula kina John Cansino at Vince Dolendo.

Rumesbak naman ang National University nang kunin nito ang 86-81 panalo kontra Far Eastern University-Diliman para masolo ang No. 2 spot.

Matapos ma-forfeit ang kanilang panalo laban sa University of the East, ibinuhos ng Bullpups ang kanilang lakas para paamuhin ang Baby Tamaraws at masungkit ang kanilang ikaanim na panalo sa walong laro.

Bida si Rhayyan Amsalo na may 21 puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with