Kabataan dumagsa sa JR. NBA Camps
MANILA, Philippines — Mahigit isang libong kabataan ang sumali sa pagdaraos ng Jr. NBA Philippines kahapon sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.
Inaasahan na mas marami pa ang sasabak sa naturang training camps kung saan kabilang sa itinuturo ang skills challenges at league plays.
Ang programa ay bukas sa boys and girls na may edad 10-14-year-olds sa apat na stages.
Ang Jr. NBA clinics ay isinasagawa na rin sa 110 cities at municipalities sa buong bansa kagaya ng Agusan Del Norte, Batangas, Benguet, Cavite, Misamis Oriental at Negros Occidental.
Kabilang sa Regional Selection Camps ang Bacolod (Feb. 10-11), Butuan (Feb. 24-25), Baguio (March 17-18) at Metro Manila (April 7-8) at ang top 37 boys at 37 girls ang aabante sa National Training Camp sa Manila sa Mayo, 2018.
Pinagtuunan din ng pansin ang malnutrisyon ng mga kabataang manlalaro para manatiling malusog habang nagsasanay sa laro ng basketball.
Sinabi ni Marco Mertacca, Managing Director ng Alaska Milk, kailangan umano ang malusog na katawan upang palaging aktibo ang mga kabataan.
“The reason I am here, is to help promote sports and stop malnutrition. Now, through this sports program we can easily engage our youth to join this kind of activities, like the Jr. NBA,” sabi ni Mertacca na siyang pumalit sa puwesto ni Alaska president at chief executive officer Fred Uytengsu.
Binanggit din ni Mertacca ang mga produkto ng nasabing Jr. NBA clinics kabilang na sina Kiefer Ravena, Kobe Paras, Thirdy Ravena, Kai Sotto at marami pang iba na ngayon ay naglalaro na sa UAAP at NCAA.
“As part of our long -standing partnership with the NBA, Alaska Milk Corporation is proud to play an active role in shaping the basketball players of tomorrow through good nutrition and proper life values,” ayon naman kay Blen Fernando, ang Marketing director ng Alaska Milk.
- Latest