PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

James, Cavs dinurog ng Raptors

‘Di makalabas si Fred VanVleet ng Raptors sa depensa ni Jae Crowder ng Cavs.

TORONTO — Ito na ang pinakamalaking kabiguan ni LeBron James at ng bumubulusok na Cleveland Cavaliers.

Umiskor si guard Fred VanVleet ng career-high na 22 points habang humakot si center Jonas Va­lanciunas ng 15 points at season-high na 18 rebounds para pamunuan ang Raptors sa 133-99 paglampaso sa Cavaliers.

Ito ang ikaanim na kamalasan ng Cleveland sa kanilang huling walong laro, kasama rito ang pagyukod sa defending champion Golden State Warriors noong Araw ng Pasko.

Umiskor si James ng 26 points, samantalang naimintis ni point guard Isaiah Thomas ang una niyang 11 tira para sa Cavaliers.

Nagmula ang Cleveland sa 99-127 kabiguan sa Minnesota Timberwolves noong Lunes.

Ang 133 points ng Raptors ang pinakamalaking naiskor ng isang kalaban ng Cavaliers ngayong season.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagdagdag si C.J.Miles ng 16 points para sa Toronto kasunod ang tig-14 mar­kers nina Pascal Siakam at Norm Powell at 13 points ni DeMar DeRozan.

Hindi naglaro para sa Raptors sina point guard Kyle Lowry (bruised tailbone) at forward Serge Ibaka (one-game suspension), ngunit nakahugot kay Jakob Poeltl ng 12 points at 12 rebounds.

Nagsalpak si Van­Vleet ng 6-of-8 shooting sa 3-point line para sa season-high na 18 triples ng Toronto, ang naunang itinayong 12-game home winning streak ay tinapos ng Miami Heat noong Martes.

Ito ang unang paghaharap ng Raptors at Cavaliers matapos walisin ng tropa ni James ang grupo ni DeRozan sa second round ng NBA Playoffs noong May ng 2017.

Matapos kunin ang 30-24 abante sa first quarter ay kumawala ang Raptors sa second period para ibaon ang Cavaliers sa halftime, 65-40  na lumobo sa 100-72 papasok sa final canto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: