^

PSN Palaro

Win or lose, Gumabao tuloy ang paglalaro sa Creamline

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Win or lose, Gumabao tuloy ang paglalaro sa Creamline

Michele Gumabao

MANILA, Philippines — Tuloy ang paglalaro ni Michele Gumabao para sa Creamline sa Premier Volleyball League na magsisimula sa Abril.

Maraming nagulat nang magsumite si Gumabao ng aplikasyon para sa 2018 Binibining Pilipinas.

Ngunit tiniyak ng ma­pag­kakatiwalaang source na maglalaro ang dating De La Salle University opposite spiker sa PVL anuman ang maging resulta ng kanyang laban sa Binibining Pilipinas.

Isa si Gumabao sa ma­higit 50 kandidatang nag-file ng application sa headquarters ng Binibining Pilipinas.

Wala pang katiyakan ang kanyang pagsabak sa Binibining Pilipinas dahil sasalain pa ng mga organizers ang lahat ng mga aplikante bago ihayag ang mga magiging opisyal na kandidata para sa final night ng naturang pageant.

Nakatakda ang coronation night sa Marso 18 kung saan papangalanan ang bagong pambato ng bansa sa Miss Universe, Miss International, Miss Globe, Miss Supranational, Miss Grand International at Miss Intercontinental.

Kabilang sa mga posibleng makalaban ni Gumabao ang 2016 Miss World Philippines at 2016 Miss World Top 5 na si Catriona Gray gayundin sina Mutya ng Pilipinas Vickie Rushton at Binibining Pilipinas runner-up Jehza Huelar na kamakailan lamang ay na-engage kay Peter June Simon ng Magnolia Hotshots.

Hindi na bago ang mga atletang sumasabak sa beauty pageants.

Noong nakaraang taon, lumahok si Southeast Asian Games taekwondo gold medalist Camille Manalo subalit bigo itong makasungkit ng isa sa anim na korona.

Matapos ang pageant, inaasahang magbabalik ensayo agad si Gumabao para samahan ang kanyang teammates sa Creamline sa pangunguna ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez.

Nasa lineup din sina Jia Morado, Rosemarie Vargas, Maria Paulina Soriano, Cesca Racraquin at Melissa Gohing.

Sina Gumabao at Go­hing ang bagong miyembro ng Cool Smashers.

Galing si Gumabao sa Cocolife Asset Managers na naglalaro sa Philippine Superliga habang si Gohing ay dating miyembro ng PVL three-time champion Pocari Sweat.

vuukle comment

CREAMLINE

MICHELE GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with