^

PSN Palaro

Tanduay-Alab Pilipinas pilit dadalawahan ang Slingers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos makabawi ay hangad ng Tanduay-Alab Pi­lipinas ang ikalawang sunod na panalo la­ban sa Singapore Sli­ngers sa kanilang muling pag­ta­tagpo ngayong alas-8 ng ga­bi sa 2017-2018 ASEAN Basketball League sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nangangailangan ng overtime ang tropa ni head coach Jimmy Alapag para ku­­nin ang 89-80 panalo sa kanilang ikalawang laban no­ong Linggo sa OCBC Are­na sa Singapore upang ma­kabawi sa 83-97 pagkatalo sa una nilang pagta­tagpo noong Nobyembre 29 sa Sta. Rosa, Laguna.

Kaya inaasahan ang ma­init na laban sa kanilang pangatlong paghaharap nga­yong season.

Tangan ang 3-3 kartada, kailangan ng Alab Pi­lipi­nas na manalong muli p­ara maging mahigpit ang kapit sa ikaapat na puwesto sa likuran ng nangungunang Hong Kong Eastern Lions (7-0), Chong Son Kung Fu (4-0) at Thailand Mono Vam­pire (5-3).

Kagaya sa una nilang laban, hindi naging madali para sa Alab Pilipinas ang ikalawang pagtatagpo na umabot sa walong lead changes at limang deadlocks bago tuluyang naku­ha nina imports Justine Brownlee at Renaldo Balkman ang laro sa 11-2 run sa overtime period.

Inaasahan ding bibigyan ng halaga ni Alapag ang rebounding advantage ng Slingers na naka-sentro kay 7’0 Chris Charles.

Dahil sa pagbabalik ni Charles ay umani ng 52 re­bounds ang Singapore, ha­bang may 39 ang Alab Pilipinas.

Pinangunahan ni Balkman ang kanilang ikatlong su­nod na panalo mula sa kanyang 26 puntos, 8 re­bounds, 4 steals at 2 blocks at may 17 markers, 7 rebounds at 8 assists naman si Brownlee.

Matapos ang Slingers ay lalabanan ng Alab Pilipinas ang Thailand Mono Vampire sa Linggo sa Sta­dium 29, sa Bangkok, Thailand.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with