Arellano sa finals ng men’s football
MANILA, Philippines — Matikas na pinataob ng Arellano University ang Lyceum of the Philippines University, 3-1, upang masikwat ang unang silya sa finals ng NCAA Season 93 seniors football tournament sa Rizal Memorial Football Field sa Malate, Manila.
Isinalpak ni Charles Gamutan ang goal sa ika-46 minuto na sinundan ni Roberto Corsame Jr. sa ika-56 minuto para kunin ang 2-0 kalamangan.
Hindi pa nasiyahan ang Chiefs matapos bumanat si Patrick Bernarte ng ikatlong goal sa ika-71 minuto para ibaon ang Pirates.
Hangad ng Chiefs na makuha ang kanilang ikalawang titulo sa liga.
Makakaharap ng Arellano para sa best-of-three finals ang magwawagi sa pagitan ng nagdedepensang San Beda College at College of Saint Benilde.
Nakahirit ng ‘rubber match’ ang Red Booters.
- Latest