^

PSN Palaro

La Salle sasagupa sa UST sa paghataw ng UAAP volleyball season sa Feb. 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang mga matitikas na collegiate vollleyball stars sa paglarga ng UAAP Season 80 wo­men’s volleyball tournament sa Pebrero 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sisimulan ng De La Salle University ang pag­de­depensa sa titulo sa pa­kikipag­tipan sa University of Santo Tomas sa alas-4 ng hapon, habang lalarga na­man ang bakbakan ng pa­boritong National University at Adamson University sa alas-2.

Ito ang unang pagkaka­taon na sasabak ang Lady Spikers na wala si top setter Kim Fajardo, natapos na ang five-year playing eli­­gibility.

Ngunit matikas pa rin ang lineup ng La Salle dahil ka­ramihan sa mga miyem­bro ng tropa ay naglaro pa­ra sa F2 Logistics na nagreyna sa Grand Prix ng Philippine Superliga.

Nangunguna sa lis­tahan si reigning MVP Ma­joy Ba­ron na itinanghal na Best Middle Blocker sa na­turang liga.

Makakasama ni Baron si­na Season 78 Finals MVP Kim KIana Dy, Season 79 Finals MVP Desiree Cheng, open spiker Tin Tiamzon, mid­dle hitter Aduke Ogunsanya at dating PSL MVP Dawn Macandili.

Lalaban naman ang Tig­resses na wala sina top spi­ker EJ Laure at middle hitter Ria Meneses na may mag­kaibang rason ng pag­liban sa taong ito.

Nagpapagaling si Laure sa kanyang shoulder inju­ry at nagpasya si Meneses na huwag nang gamitin ang kanyang final playing eli­gibility.

Dahil dito, sasandalan ng UST sina power-hitting Cher­ry Ann Rondina at op­posite spiker Dimdim Pac­res kasama sina Carla Sandoval, Christine Francisco, Alina Bicar at team captain Shannen Palec.

Sa kabilang banda, pa­bo­rito ring makapasok sa UAAP Finals ang NU La­­dy Bulldogs na isa sa may pi­­nakasolidong lineup sa taong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with