^

PSN Palaro

Lady Chiefs, Lady Altas humataw ng panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis na pinataob ng nagdedepensang Arella­no University ang Emilio Agui­naldo College, 25-19, 25-12, 25-11, upang ma­solo ang liderato sa NCAA Season 93 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humataw nang husto si Necole Ebuen nang mag­la­tag ng 15 points tampok ang 12 attacks, habang uma­riba rin si Jovielyn Pra­do na kumana ng 12 hits pa­ra hatakin ang Lady Chiefs sa kanilang ikala­wang sunod na panalo.

Nauna nang iginupo ng Arellano ang Mapua Lady Cardinals, 25-10, 25-17, 25-13, noong Huwebes.

“Maiksi lang ang tournament kaya kailangan na­ming makakuha ng ma­raming panalo. No room for errors dahil every game counts,” sambit ni Arellano head coach Obet Javier.

Nagdagdag naman si­na middle hitter Andrea Mar­zan at open spiker Re­gine Arocha ng tig-anim na puntos, habang muling nagpamalas ng husay si rookie setter Sarah Verutiao na naglista ng 32 excellent sets.

Wala namang nagtala ng double figures para sa La­dy Generals kung saan ta­nging walong puntos la­­mang ang naitala ni Aira Bi­nondo.

Wala pa ring panalo ang EAC sa dalawang pag­salang.

Matikas naman ang na­ging si­mula ng University of Perpetual Help System Dalta nang ilampaso ang Ly­ceum of the Philippines, 25-21, 25-17, 25-22.

Ipinaramdam ni middle blocker Lourdes Clemen­te ang kanyang husay matapos magbaon ng 14 puntos, habang nakatuwang ni­ya sina Cindy Imbo at Bianca Tripoli na nagtala ng pinagsamang 23 puntos para sa Lady Altas.

Hindi naman nakapag­laro si Jhona Rosal na na­tuklasang may ovarian cyst, ngunit naging epek­tibo naman ang kapalit na si Jowie Albert Verzosa na nagsumite ng pitong puntos.

“It was unfortunate that it happened and we hope she (Rosal) responds well to treatment and hopefully she can still play this sea­son,” wika ni Perpetual Help mentor Macky Cariño na siyang humalili kay Perpetual Help athletic director Sammy Acaylar.

Sa juniors’ division, sini­mulan ng Perpetual Help ang pagdepensa sa titulo sa pamamagitan ng 25-18, 25-20, 25-13 panalo laban sa Lyceum.

Namayani rin ang Altas sa Knights sa iskor na 25-19, 25-13, 25-18 sa men’s side.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with