Meneses at Hingpit lumipat sa tropa ng Generika-Ayala
MANILA, Philippines — Hindi lang rigodon sa coaching staff ang nagaganap sa Philippine Superliga.
Uso rin ang ober da bakod sa mga players.
Lumipat sina Petron standouts Marivic Meneses at April Ross Hingpit sa Generika-Ayala na desididong palakasin ang kanilang tropa para sa nalalapit na pagbubukas ng PSL Grand Prix.
Sa katunayan, isang homecoming ito para kay Meneses dahil ang Lifesavers ang kanyang dating koponan sa liga.
Nagpasiklab si Meneses para sa Generika-Ayala noong 2016.
Subalit matapos ang kontrata ng UST middle hitter sa Lifesavers, kinuha siya ng Petron para tulungan ang Blaze Spikers na makopo ang All-Filipino crown noong nakaraang taon.
Sa kabilang banda, si Hingpit ang alternate setter ng Petron sa nakalipas na taon.
Makakaagapay ni Hingpit sa Lifesavers sina imports Darlene Ramdin ng Trinidad and Tobago at Katarina Pilepic ng Croatia.
Wala pang bagong coach ang Generika-Ayala matapos mapaso ang kontrata ni dating mentor Francis Vicente.
- Latest