^

PSN Palaro

Curry, Thompson humataw sa panalo ng Warriors

Pilipino Star Ngayon
Curry, Thompson humataw sa panalo ng Warriors

Nag-unahan sa pagkuha ng rebound sina Warriors guard Klay Thompson at Rockets center Clint Capela.
 

HOUSTON-- Walang James Harden na nasandalan ang Rockets nang kumamada ang Golden State Warriors sa fourth quarter.

Kumolekta si Stephen Curry ng 29 points, 9 rebounds at 5 assists  habang may 28 markers si Klay Thompson para pamunuan ang Warriors sa 124-114 paggupo sa Rockets.

“Obviously they were missing their best player without James so we felt like there was an opportunity for us,” ani Thompson.

Ito ang ikalawang laro na iniupo si Harden, halos dalawang linggong mawawala dahil sa kanyang hamstring strain.

Naglaro naman ang Warriors na wala si Kevin Durant, may strained right calf, ngunit nagbalik sa aksyon si Andre Iguodala matapos magkaroon ng back at hip strains noong Miyerkules.

Nag-ambag si Iguodala ng 10 points at 8 assists.

Humakot naman si Draymond Green ng triple-double mula sa kanyang tinapos na 17 points, 14 rebounds at 10 assists para maging franchise career leader sa triple-doubles sa bilang na 21.

Ito ang ikalawang triple-double ni Green ngayong season para lampasan si Tom Gola.

Pinalawig ng Golden State ang kanilang road winning streak sa siyam at ipinoste ang NBA-best na 16 road wins ngayong season.

Hindi bumitaw ang  Rockets sa halos kabuuan ng laro bago naitayo ng Warriors ang seven-point lead sa huling 3:30 minuto ng fourth period.

Ang 3-point shot ni Curry ang naglayo sa Golden State sa 120-109 kasunod ang paglabas ng mga Houston fans sa mga exit.

Tumipa si Eric Gordon ng 30 points para sa Rockets habang umiskor si Ge­rald Green ng 29 markers mula sa bench at dinuplikahan ang kanyang career high na walong 3-pointers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with