^

PSN Palaro

6-taon ang kontrata ni Ayo sa UST; La Salle hahawakan na ni Gonzalez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
6-taon ang kontrata ni Ayo sa UST;  La Salle hahawakan na ni Gonzalez

Louie Gonzalez
 

MANILA, Philippines — Anim na taon ang kon­trata ni Aldin Ayo sa University of Santo Tomas.

Ito ang isiniwalat ng official publication ng UST na The Varsitarian sa kanilang Twitter account kung saan nakatakdang ihayag ng unibersidad ang kumpirmasyon sa Enero 11 na siyang magsisilbing umpisa ng kanyang paghawak sa basketball program ng Growling Tigers.

“Former La Salle coach Aldin Ayo confirms he will coach the Growling Tigers for the next six years. Ayo said IPEA officials will make official announcement on Jan. 11,” ayon sa tweet ng The Varsitarian.

Kaya naman tuloy na tuloy na ang paglipat ni Ayo mula De La Salle University patungong UST.

Malaking hamon para kay  Ayo na paangatin ang Growling Tigers sa UAAP.

Magugunitang nagtapos sa ilalim ng standings ang UST tangan ang 1-13 rekord.

Isang manlalaro lamang ang nawala sa lineup ng Growling Tigers sa ngalan ni Jeept Faundo habang magbabalik sa koponan sina Renzo Subido at Embons Bonleon.

Sa kabilang banda, pormal nang inihayag ng La Salle ang pagtatalaga kay assistant coach Louie Gonzalez bilang bagong head coach ng Green Archers.

Naglabas na ng opisyal na stament ang La Salle para tuldukan ang isyu.

“De La Salle University announces the appointment of Jose Luis Gonzalez III as head coach of the men’s basketball team effective January 1, 2018,”  na­ka­saad sa statement ng La  Salle.

Makakasama ni Gonzalez sa coaching staff sina Glen Capacio at Siot Tanquincen.

Nagsilbing assistant coach ng Green Archers si Gonzalez sa loob ng dalawang taon. Naging deputy coach din ito sa Colegio de San Juan de Letran sa NCAA at Far Eastern University sa UAAP gayundin sa Globalport at Kia sa PBA.

Nagpasalamat din ang La Salle kay Ayo sa dala­wang taong panunungkulan bilang mentor ng Green Archers na nabigyan nito ng isang kampeonato noong 2016 at runner-up finish nitong 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with