^

PSN Palaro

Celtics inilusot ni Rozier vs Cavs

Pilipino Star Ngayon
Celtics inilusot ni Rozier vs Cavs

Pinanood na lang ni Dirk Nowitzki ng Mavs ang patirang si Stephen Curry ng Warriors.

BOSTON — Isa-isang niyakap ng mga Celtics players si Isaiah Thomas.

Sa susunod nilang pagkikita ay hindi na magsusuot ang kanilang dating teammate ng hoodie at nanonood mula sa bench.

Umiskor si Terry Rozier ng 20 points sa loob ng 20 minuto para sapawan sina Thomas, LeBron James at Kyrie Irving sa rematch ng Eastern Conference finals at tulungan ang Celtics sa 102-88 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.

“When I first came in the league, that’s a guy that I watched a lot. The little things he did on and off the court. Like a big brother to me,” sabi ni Rozier kay Thomas. “Just to hear those words from him, I’m happy that he’s on his way back -- so I can guard him in February.”

Tumanggap si Tho­mas ng standing ovation mula sa mga Boston fans ngunit hindi naglaro isang gabi matapos gawin ang kanyang season debut sa pagbabalik niya mula sa isang hip injury.

Sinabi ni Thomas na ipinagmamalaki niya ang third-year Celtics guard.

Nagdagdag sina Marcus Smart at Jayson Tatum ng tig-15 points at may tig-11 markers sina Irving at Al Horford para sa ikaapat na sunod na panalo ng Celtics.

Kumolekta naman si James ng 19 points, 7 rebounds at 6 assists mula sa 8-for-15 fieldgoal shooting para sa Cavaliers.

Sa Dallas, kumonekta si Stephen Curry ng isang three-pointer sa huling tatlong segundo ng fourth period para ilusot ang Golden State Warriors laban sa Mavericks, 125-122.

Tumapos si Curry na may 32 points sa pagtatala ng "Big Four" ng pinagsamang 100 points at wakasan ang four-game winning streak ng Dallas.

Umiskor sina Kevin Durant at Klay Thompson ng tig-25 points habang nagtala si Draymond Green ng 18 markers at 10 rebounds para sa Warriors.

Pinamunuan ni Wesley Matthews ang Mavericks mula sa kanyang 22 points, tampok ang pitong three-pointers at pinantayan ni Dwight Powell ang kanyang career-high na 21 markers.

Binura ng Dallas ang 12-point deficit sa hu­ling 4:32 minuto ng fourth quarter at tuluyan nang nakatabla sa 120-120 ga­ling sa jumper ni Harrison Barnes sa nalalabing 39.9 segundo.

Sa iba pang resulta, dinaig ng Houston Rockets ang Orlando Magic, 116-98; ginulat ng Philadelphia 76ers ang San Antonio Spurs, 112-106; tinalo ng Washington Wizards ang New York Knicks, 121-103; tinakasan ng Brooklyn Nets ang Minnesota Timberwolves, 98-97; sinapawan ng Miami Heat ang Detroit Pistons, 111-104; pinabag­sak ng Toronto Raptors ang Chicago Bulls, 124-115; ginapi ng Milwaukee Bucks ang Indiana Pacers, 122-101; dinurog ng Denver Nuggets ang Phoenix Suns, 134-111 at hiniya ng New Orleans Pelicans ang Utah Jazz, 108-98.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with