PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Roach kumpiyansang mananalo si Gesta

MANILA, Philippines — Sa Enero 27 ay hahamunin ni Filipino challenger Mercito “No Mercy” Gesta si Venezuelan world lightweight champion Jorge “El Nino De Oro” Linares sa Forum sa Inglewood, California.

Kamakalawa lamang sinimulan ni chief trainer Freddie Roach ang sparring session para kay Gesta.

“We started sparring recently, and it went well. We still have a lot of time to work a little more,” wika ni Roach sa panayam ng BoxingScene.com. “He’s looking good so far. I feel we can win this fight. This is a good opportunity for us and we have to take advantage of it as much as we can.”

Pipilitin ni Gesta (31-1-2, 17 KOs)  na maagaw kay Linares (43-3-0, 27 KOs) ang suot nitong World Boxing Association lightweight title.

Determinado ang 30-anyos na si Gesta, tubong Labogon, Mandaue, Cebu at nakabase ngayon sa  San Diego, California, na mahubaran ang 32-anyos na si Linares ng korona para maging ikatlong Pinoy na world boxing champion matapos sina International Boxing Federation flyweight king Donnie ‘Ahas’ Nietes at super flyweight title-holder Jerwin Ancajas.

Ito ang ikalawang pagkakataon na susubukan ni Gesta na makapagsuot ng world boxing belt matapos matalo kay Mexican Miguel Vázquez via unanimous decision para sa IBF lightweight crown sa undercard ng ikaapat na paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Márquez noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas, Nevada.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matapos ito ay tinalo ni Gesta sina Edgar Riovalle at Luis Arceo bago nakipag-draw kay Carlos Molina noong 2015.

Tatlong sunod na panalo ang itinala ni Gesta, kasama rito ang 8th round KO victory laban kay Martin Honorio sa The Forum noong Hulyo 15, 2017 na nagbigay-daan sa kanyang paghahamon kay Linares. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: