PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Thomas nagpasikat sa Cavs, Blazers tumupi

 Nailusot ni Isaiah Thomas ng Cavs ang kanyang tira laban sa depensa nina Pat  Connaughton (kaliwa) at CJ McCollum ng Blazers.
 

CLEVELAND -- Matapos ang pitong buwan na paghihintay ay natunghayan na ng Cavaliers sa court si All-Star point guard Isaiah Thomas.

Umiskor si Thomas ng 17 points, kasama ang tatlong three-point shots at 3 assists sa loob ng 19 minuto para tulungan ang Cleveland na gibain ang Portland Trail Blazers, 127-110 at tapusin ang kanilang three-game losing skid.

Nagposte si LeBron James ng 24 points habang nagdagdag sina Kevin Love at Jae Crowder ng 19 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Cavs na nauna nang yumukod sa Golden State Warriors, Sacramento Kings at Utah Jazz.

“It’s been a long journey for me,” sabi ni Thomas. “I couldn’t really see the light at the end of the tunnel. For that day to come the first couple days of 2018, it’s going to be a special year.”

Nagmula si Thomas sa Boston Celtics na naka-trade ng Celtics sangkot si Kyrie Irving.

Ipinahinga siya sa huling 8:10 minuto ng fourth quarter kung saan bitbit ng Cavaliers ang 12-point lead laban sa Trail Blazers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bago ipahinga ay niyakap si Thomas ni LeBron James kasunod si head coach Tyronn Lue.

“Welcome back,” sabi ni Lue kay Thomas.

Huling nakita sa aksyon si Thomas noong Mayo 19 bago nagkaroon ng torn labrum sa baywang na tumapos sa kanyang kampanya para sa Celtics noong 2017 postseason.

Sumailalim ang 5-foot-9 playmaker sa rehabilitas­yon.

“What I like most about him is he has a chip on his shoulder for life,” sabi ni James. “That’s just who he is. When a guy’s got a chip on his shoulder for life, he’s never going to not work hard. Not going to never give it his all. Not going to never disappoint you.”

Pinamunuan naman ni Damian Lillard ang Portland mula sa kanyang 25 points para sa pagbabalik niya matapos magkaroon ng hamstring injury.

Nag-ambag si Jusuf Nurkic ng 23 points kasunod ang 19 markers ni CJ McCollum.

Sa iba pang laro, tinalo ng San Antonio Spurs ang New York Knicks, 100-91; tinakasan ng Phoenix Suns ang Atlanta Hawks, 104-103 at dinaig ng Charlotte Hornet ang Sacramento Kings, 131-111.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: