PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Matinding paluan simula na ngayon

NCAA women’s volleyball

MANILA, Philippines —  Sisimulan ng Arellano University ang pagde­depensa sa titulo sa pa­kikipagtipan sa Mapua University sa paglarga ng NCAA Season 93 women’s volleyball tournament nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus ang landas ng Lady Chiefs at Lady Cardinals sa ala-1:30 ng hapon matapos ang duwelo ng dating kampeong San Sebastian College-Recoletos at Emilio Aguinaldo College sa alas-12 ng tanghali.

Magkakaroon naman ng simpleng opening cere­mony sa alas-11 ng umaga.

Solido ang Lady Chiefs dahil intact pa rin ang lineup nito sa pangunguna nina Regine Anne Arocha, Necole Ebuen, Andrea Marzan at Jovielyn Prado na mga naglaro sa semi-commercial league ng Premier Volleyball League.

Nais ng bataan ni Arellano mentor Obet Javier na maipagpatuloy ang magandang itinatakbo ng kampanya ng koponan.

Noong nakaraang taon, dumaan sa matinding pagsubok ang Lady Chiefs bago makuha ang kanilang ikalawang kampeonato sa liga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naipanalo ng Arellano ang kanilang laro sa stepladder semis para harapin ang San Sebastian na armado ng thrice-to-beat advantage matapos walisin ang eliminasyon na nagdala sa kanila sa finals.

Ngunit mas naging agresibo ang Lady Chiefs sa championship round kung saan tatlong beses nitong pinataob ang Lady Stags para hablutin ang korona.

Mamanduhan naman ang Lady Cardinals nina Lorraine Barias, Jenahlyn De Guia, Nicole Frando, Shaira Hermano, Dianne Latayan, Angeline Ma­ngundayao, Joane Mercado, Jan Andrea Morano, Patria Pena, Katrina Racelis at Danielle Ramilo.

Sa kabilang banda, siyam na manlalaro lang ang nasa lineup ng Lady Stags.

Wala sa listahan si Julian Tiangco na nagtamo ng knee injury.

Kaya naman mabigat ang pasanin nina Alyssa Eroa, Vira May Guillema, Joyce Sta. Rita at Dangie Encarnacion na siyang pinakabeterano sa lineup ni San Sebastian coach Roger Gorayeb.

“We’re still a fighting team but we have to avoid injuries. That’s (finals last year) already a thing of the past and we’re already looking at the future. In fact, after this year, we have four or five recruits coming in and we expect them to really make a significant impact on the team right away,” ani Gorayeb.

Tatapatan ito ng Lady Generals sa pamumuno nina Aira Binondo, Kristine Cancio, Chellesi Chan, Jaylene Lumbo, La­deisheen Magbanua, Glyka Medina, Crislie Pablo, Anina Reyes, Kenneth Deanne Reyes, Yvonne Tasis, Yvette Tongco at Iona Yongco.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: