PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

St. Clare sasabak sa PCCL tourney

MANILA, Philippines — Bunga ng kanilang tagumpay sa nakaraang NAASCU tourney, hangad ng St. Clare College-Caloocan ang magandang kam­panya sa 2018 Natio­nal Capital Region qualifying para sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL) na magsisimula sa Enero 15 sa Jose Rizal University Gym sa Mandaluyong City.

Sa pangangalaga nina NAASCU president Dr. Er­nesto Jay Adalem at coach Jino Manansala, ang Caloo­can City-based  NAASCU champion Saints ay sa­sabak sa nasabing tournament tangan ang ma­laking kumpiyansa na magiging matagumpay ang kanilang paglahok.

“We’re confident about our chances in  the  PCCL.The  players are in high spirits since winning back-to-back NAASCU titles last October,” sabi ni Adalem.

“The  PCCL is also a good opportunity for the players  to further hone  their skills under  coach Manansala before they  take their acts to the PBA  D-League scheduled later this month,” dagdag pa ni Adalem.

Sa panig naman ni coach Manansala, malaki ang maitutulong para sa kan­yang koponan ang pagsali sa PCCL at PBA D-League kung saan makakalaban nila ang mabibigat na koponan sa bansa.

“We’re ready to take the challenge. We like our chances,” ayon kay Ma­nansala na siyang hinirang na “Best Coach” ng NAASCU at pumantay kay dating CEU coach Egay Macaraya bilang second  winningest coach sa history ng liga sa kanilang tig-tatlong championship titles.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Si UM coach Ato Tolentino ang may pinakama­raming titulo sa kanyang limang korona na na­pa­na­lunan sa liga.

Pangungunahan ni  two-time NAASCU  MVP Aris Dio­nisio ang Saints kasama sina Junjie Hallare,  Paeng Rebugio  at African  import Mohamed Pare.

Winalis ng St. Clare  ang  De  Ocampo Memorial College sa Finals (101-79 at 98-83) para sungkitin ang ikalawang sunod na titulo sa NAASCU at ikatlo sa overall simula 2001.

Kasama ng St. Clare sa Group A ang MBL cham­pion  Colegio de San Lorenzo at NCAA heavyweight  Jose Rizal University.  Sa Group B naman ay ang Far Eas­tern  University, San Sebastian College at PATTS.         

Ang top team sa Group A at Group B ay maghaharap sa one-game finals sa Enero 18.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: