^

PSN Palaro

Carrion pabor na magdaos ng bagong POC election

Pilipino Star Ngayon
Carrion pabor na magdaos ng bagong POC election

Cynthia Carrion

MANILA, Philippines — Kung si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion ang tatanungin, pabor itong magsagawa ng panibagong eleksiyon ang Philippine Olympic Committee sa Pebrero 23.

Ito ay matapos mag­­la­bas ng desisyon kama­kailan ang Pasig Regional Trial Court na pagpapawalang-bisa sa naganap na eleksiyon para sa pagka-pangulo at chairman ng POC.

Ilang grupo aniya ang kumikilos upang makakuha ng temporary restraining order para pigilan ang ini-utos ng korte na magsagawang muli ng eleksiyon.

Magugunitang dinis­kwalipika ng POC Comelec na tumakbo bilang presidente si Ricky Vargas ng Association of Boxing Alliances in the Philippines at bilang chairman si Abraham Tolentino ng Integra­ted Cycling Federation of the Philippines sa ginanap na eleksiyon noong 2016.

Dahil dito, awtomatikong nanalo bilang pa­ngulo ng POC si Peping Cojuangco ng equestrian at bilang chairman si  Tom Carrasco ng triathlon.

Nadiskwalipika rin si Carrasco sa kalaunan kaya’t bakante ang posis­yon bilang POC chairman.

Kaya naman nais ni Carrion na matuloy ang panibagong eleksiyon base sa pagsunod sa ini­utos ng korte.

Hangad ni Carrion na tapusin ang problema sa magandang pamamaraan para makapagsimula na ang Pilipinas sa pagha­handa sa hosting ng 2019 Southeast Asian Games.

Maliban sa SEA Ga­mes, pinaghahandaan din ng national team ang pagsabak sa 2018 Asian Games na idaraos sa Jakarta at Palembang sa Indonesia, 2018 Youth Olympic Games na gaganapin naman sa Buenos Aires, Argentina at sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Nilinaw din ni Carrion na hindi sapat ang court order upang masuspinde ang Pilipinas ng International Olympic Committee.

Mismong ang mga opisyales aniya ng IOC ang nagkumpirma na hindi “government intervention” ang paglalabas ng isang court oder sa POC.

Kamakailan ay nagtu­ngo si Carrion sa Lau­sanne, Switzerland na siyang headquarters ng IOC.

Sinabi ni Carrion na hindi makikialam ang IOC sa kasalukuyang nagaganap sa POC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with