PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

29th Andrada Cup netfest papalo na

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang pinakamahuhusay na age-groupers sa bansa sa paglarga ng 29th Andrada Cup Tennis Championships ngayong umaga sa Rizal Memorial Tennis Center sa Maynila.

Mahigit 200 netters ang sasabak sa iba’t ibang age brackets: 10-under unisex, 12-under boys at girls, 14-under boys at girls, 16-under boys at girls at 18-under boys at girls para sa singles.

Sa doubles, maglalaban ang mga kalahok sa korona sa 10-under mixed, 14-under boys at girls at sa 18-under boys at girls.

Ang torneo ay itinagu­yod ni Col. Salvador Andrada na dating pangulo ng Philippine Lawn Tennis Association. Mayroon na itong 29 edisyon upang maging longest-running grassroots tennis event sa bansa.

Nakasentro ang atensiyon sa 14-under group dahil magsisilbi itong quali­fying tournament para ma­kabuo ng national teams para sa Junior Davis Cup, Junior Fed Cup at World Junior Tennis Championships.

Noong nakaraang taon, nagkampeon sina John David Velez ng Mindanao at Macy Carlos ng Manila sa boys’ at girls’ 14-under divisions habang namayagpag din sina Janus Ringia (16-under boys) at Crystal Mildwaters ng Australia (girls’ 16-under at 18-under).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ilan sa produkto ng Andrada Cup tournament sina Jeson Patrombon, Alberto Lim Jr. at Francis Casey Alcantara.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: