PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Generika-Ayala naghahanap ng bagong coach

MANILA, Philippines — Muling naghahanap ang Generika-Ayala ng bagong head coach para sa 2018 season partikular na sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Superliga Grand Prix.

Ito ay matapos tapusin ng Lifesavers ang koneksiyon  kay Francis Vicente sa pagtatapos ng taon.

Kaya naman bukas ang pintuan ng Generika-Ayala sa bagong mentor na hahawak sa programa ng koponan sa taong ito.

Hindi maganda ang kampanya ng Lifesavers sa nakalipas na taon.

Nagtapos lamang sa ikaapat na puwesto ang Generika-Ayala sa 2017 Invitational Cup habang lumapag ito sa ika-7 puwesto  sa All-Filipino Conference at Grand Prix.

Nais ng Lifesavers na makakuha ng coach na dadalhin ang kanilang tropa sa mas mataas na puwesto sa mga susunod na kumperensiya ng liga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa kabilang banda, i­sesentro ni Vicente ang atensiyon sa pagpapalakas ng kanyang koponan sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament na magsisimula rin sa Pebrero.

Hawak ni Vicente ang University of the East na nasa rebuilding process.

Si Vicente rin ang head coach ng women’s national team na sumabak sa 2017 Southeast Asian Games at 2017 Asian Seniors Women’s Volleyball Championship.

Wala pa ring anunsiyo ang Lifesavers kung sinu-sino ang mga imports na kukunin para sa Grand Prix.

Huling naglaro para sa Lifesavers sina Darlene Ramdin ng Trinidad and Tobago, Katarina Pilepic ng Croatia at Penina Snuka ng Amerika sa 2017 Grand Prix.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: