PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Taguchi inagaw ang IBF belt ni Melindo

Halos magkaumpugan sina Milan Melindo at Ryoichi Taguchi sa isang round ng kanilang unification fight.

MANILA, Philippines — Maluwag na tinanggap ng kampo ni Milan 'El Metodico' Melindo ang mapait na sinapit ng Filipino pride sa bisperas ng Bagong Taon.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni chief trainer Edito Villamor na mas naging agresibo si Japanese champion Ryoichi Taguchi para maging unified world light flyweight king noong Linggo sa Tokyo, Japan.

“We lost a better fighter last night. It was a great fight,” wika ni Vilamor. “Thank you for all your support. Happy New Year looking forward for 2018.”

Kinuha ng 31-anyos na si Taguchi (27-2-2 12 KOs) ang isang unanimous decision victory para talunin ang 29-anyos na si Melindo (37-3-0, 13 KOs).

Idinagdag ni Taguchi, nakakolekta ng 116-112, 117-111 at 117-111 mula kina judges Gustavo Jarquin (Nicaragua), Francis Jackson (US) at Ignacio Robles (Panama), ayon sa pagkakasunod.

Idinagdag ni Taguchi sa kanyang suot na World Boxing Association light flyweight belt ang International Boxing Federation title ni Melindo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bagama't natalo ay pinahirapan naman ni Melindo si Taguchi mula sa kanyang mga uppercut at body shots sa unang mga rounds.

Bunga ng banggaan ng kanilang mga ulo sa fifth round ay pumutok ang kaliwang mata ni Melindo  habang nagkaroon ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo si Taguchi sa ninth round.

Dahil na rin sa pagtutok ni Taguchi sa bodega ni Melindo ay humina at bumagal ang suntok at kilos ng tubong Cagayan De Oro City sa mga sumunod na rounds.

Sa nakalipas na taon ay naagaw ni Melindo ang IBF light flyweight belt ni Japanese Akira Yaegashi via first-round KO noong Mayo at matagumpay itong naidepensa laban kay dating WBA/IBO minimumweight king Hekkie Budler ng South Africa noong Setyembre sa Cebu City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: