PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2017 PBA yearender: 42 season dominado ng SMC

San Miguel Beer Commissioner’s Cup champion

Nabahiran din ng kontrobersya

MANILA, Philippines — Bihira sa isang kopo­nan ang makakuha ng da­­lawang kampeonato sa Philippine Basketball As­sociation.

Lalung-lalo na ang tat­long sunod na korona pa­ra sa tinatawag na PBA Grand Slam.

Nagawa ito ng San Mi­guel, sa paggiya ni head coach Norman Black, no­ong 1989 at muntik nang ma­duplika ni mentor Leo Aus­tria para sa Beermen sa nakaraang 42nd Season ng PBA.

Matapos angkinin ng San Miguel ang mga titu­lo ng 2017 PBA Philippine Cup at PBA Commissio­–ner's Cup ay inabangan ang ka­nilang magiging kampanya sa PBA Governor's Cup.

Ang nasabing season-ending conference ay pi­nagharian ng Barangay Gi­nebra noong 2016 sa likod ni import Justin Brownlee la­ban sa Meralco.

Ngunit sa kanilang pag­haharap sa quarterfinals kung saan nagbitbit ang Gin Kings ng 'twice-to-beat' ad­van­tage bilang No. 3 team ay nakalasap ang Beermen ng 84-104 kabiguan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ito ang tuluyan nang nag­paguho sa tsansa ng San Miguel para sa inaasam na ikalawang PBA Grand Slam.

Aminado si Austria na na­ging kampante ang kanyang mga Beermen matapos pagharian ang 2017 PBA Philippine Cup at PBA Commissioner's Cup.

 

 

 

 

“Maybe because of the last two championships, na­ging stagnant 'yung per­formance namin and I told them na we have to learn our lesson. Dahil next season, it will be a different ball­game,” sabi ni Austria. “Med­yo naging kampante ang team. They thought na talent alone will give us the grand slam. I keep on telling them na we have to work hard,” dagdag pa ng hinirang na 2017 PBA Press Corps Coach of the Year.

Ang 2017 PBA Go­ver­nor's Cup ay muling pi­nagharian ng Ginebra sa ikalawang sunod na pag­kakataon nang igupo ang Meralco sa kanilang Fi­nals rematch na umabot sa Game Seven.

“It’s just one of those nights,” sabi naman ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa pagsibak ng kanyang Gin Kings sa Beermen sa quar­terfinals. “It came at a bad time for them and we were on our game.”

Nahulog ang tropa ni Aus­tria sa 'twice-to-beat' dis­advantage sa quarterfinals matapos isuko ang iti­nayong 18-point lead at matalo sa Bolts.

Matapos ang pagkaka­talsik sa torneo ay kaagad hu­mingi ng paumanhin ang mga San Miguel players sa kanilang mga fans habang pinasalamatan naman ni ve­teran point guard Alex Ca­bagnot ang solidong suportang ibinigay ng kanilang mga fans sa buong season.

“We could have gone 0 for 3, but God blessed us with 2 championships. Thank you for the love, see y'all next year,” sabi ni Cabagnot sa kanyang Twitter account.

Sa 43rd season ng PBA ay sisikapin ng Beermen na makamit ang kanilang ika­apat na sunod na korona ng Philippine Cup at kung maaari ay ang Grand Slam.

“Puwede kaming ma­ka­buo ng history ulit, four straight na All Filipino confe­rence titles," sabi ni four-time PBA Most Valuable Pla­yer June Mar Fajardo.

Sinabi naman ni Austria na marami siyang babagu­hin sa ugali at paglalaro ng mga Beermen sa 43rd Season.

“We want to improve a lot and change strategy, change game plan, and change the training, and still, I believe this team can win another championship through hard work,” wika ni Austria.

Inaasahang malaki ang maitutulong ni Fil-German center Christian Standhar­dinger, ang hinirang na No. 1 overall pick ng nakaraang 2017 PBA Rookie Draft, sa ha­ngarin ng San Miguel.

Ngunit sa Mayo ng 20­18 pa posibleng makita sa bench ng Beermen ang 28-anyos na si Standhardinger o sa kalagitnaan ng 2018 PBA Commissio­ner's Cup.

Ito ay dahil sa nauna ni­yang pagpirma sa six-month contract para sa Hong Kong team sa ASEAN Basketball League.

“Right now, siguro kaila­ngan naming maglaro as a team hanggang ma­kapag­laro na si Standhar­dinger sa PBA Commissioner's Cup,” ani Austria.

Sa pagtatapos ng 42nd season ay pumagitna ang is­yu kay Narvasa, inendor­so ng majority block, sa PBA Board na huwag nang big­yan ng panibagong termino bilang PBA Commissioner.

Sa pagbubukas ng 43rd season noong Disyembre 17 ay isinumite ni Narvasa ang kanyang resignation let­ter kay Ricky Vargas ng TNT Katropa, ang bagong PBA chairman.

Nanatili si Narvasa sa kan­yang puwesto hanggang kahapon bago ni­ya ipa­sa ang trabaho kay me­dia bureau chief Willie Marcial na iniluklok ng PBA Board bilang OIC ha­nggang makahanap ng bagong PBA Commissio­ner.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: