^

PSN Palaro

Ateneo batters kampeon sa Hong Kong meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Ateneo de Manila University ang kampeonato sa WBSC Hong Kong International Baseball Open Championship club division na ginanap sa Lion Rock Park Baseball Field sa Kowloon, Hong Kong.

Inilampaso ng Blue Batters ang Sydney University sa championship round sa pamamagitan ng 10-4 demolisyon kung saan bumandera sina UAAP Season 79 Finals MVP Paulo Macasaet, Marco Mallari, Dino Altomonte at Filipino-American Marquis Alindogan.

Nakapasok sa finals ang reigning UAAP baseball winner Ateneo matapos makumpleto ang 3-0 sweep sa eliminasyon.

Tinalo nito ang Sydney University sa kanilang unang asignatura sa iskor na 12-7 kasunod ang Hong Kong Blue sa bendisyon naman ng 9-6 desisyon at ang Lanzhou New Way sa kanilang huling laro, 12-3.

Itinanghal na tournament MVP si Mallari habang pinangalanan namang Best Pitcher si Macasaet.

Nakuha ni Ateneo mentor Randy Dizer ang Best Coach award.

Ang pagsabak ng Blue Batters sa Hong Kong meet ay bahagi ng paghahanda nito sa pagdepensa sa titulo ng UAAP Season 80 baseball.

Kaya naman inaasahang sesentro ang atensiyon sa Ateneo na siyang may pinakamalakas na lineup sa season na ito.

Naibulsa ng Ateneo ang UAAP crown noong nakaraang taon nang pataubin ang University of Santo Tomas sa finals na umabot ng mahigit limang oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with