^

PSN Palaro

Brillo, 8 pa pasok sa q’finals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatumba ni Reymar Brillo ng Sultan Kudarat si Zaldy Ricopuerto ng Malu­ngon, Sarangani sa loob lamang ng 14 segundo sa unang round sa elimination ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup sa Robinson’s Place sa General Santos City.

Sinundan ng beteranong si Brillo kahit saan man tumakbo si Ricopuerto tungo sa magandang pa­nalo sa Mindanao preliminary round.

“Sabi ni coach kung makaya mong i-knockout, i-knockout mo na,’’ ani ng 18-anyos na si Brillo na umabante sa Mindanao quarterfinal round sa Peb­rero sa susunod na taon sa Kidapawan City.

Walo pang ibang ba­tang boksingero ang pasok  sa quarterfinals.

Ito ay sina James Errol Gahaton (44-46kg youth boys) ng Barangay Labangal, General Santos City, Ben John Rey Yagahon ng Malaybalay City at Jayson Brillo ng Sultan Kudarat sa 48kg division.

Pumasok din sa quarterfinal rounds sina Ariel Almamento ng General Santos, Jake Sone Saludar ng  Polomolok, South Cotabato sa 46-49kg, Acreboy Baranggan ng Aglayan, General Santos, John Igancius Macas ng Cagayan de Oro at Criz Sander Laurentea  ng Gen. Santos City sa 52kg division.

Ang preliminary rounds para sa national finals ay magsisimula  sa Abril 14-15 sa Mandaluyong City at susundan ng quarterfinals para sa Visayas sa Abril 21-22 sa Tagbilaran City, Bohol.

Ayon kay coach Jimmy Cubay, malaki ang kanyang tiwala na puwede na si Brillo sa national team kung bibigyan ng pagkakataon.

“Pag-isipan po namin itong si Reymar. Wala akong masasabi sa batang ito. May lakas, tapang at mabait pa,’’ ani Cubay na naging trainer din ni Carolyn Calungsod na ngayon ay miyembro na ng natio­nal women’s squad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with