^

PSN Palaro

3 na ang aplikante para maging PBA Commissioner

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Commissioner ng UAAP, dating alternate board representative ng Sta. Lucia Realty at isang PBA television panelist ang maaaring pumalit kay Chito Narvasa bilang PBA Commissioner.

Ang mga ito ay ang mga abogadong sina Rebo Saguisag, Ariel Magno at Charlie Cuna.

Si Saguisag ay anak ni dating Senador at Human Rights lawyer Rene Saguisag at nagtapos sa kursong Sports Science sa University of the Philippines.

Naging coach siya ng high school team ng Assumption College at tumayong consultant ng NCAA Management Committee.

Nagsilbi naman si Magno bilang alternate board representative ng Sta. Lucia Realty team habang si  Cuna ay isa sa mga TV panelists ng PBA.

Para makapaghirang ng bagong PBA Commissioner ay kailangan ang two-thirds vote o walong miyembro ng PBA Board.

Bubuo ang PBA Board ng isang search committee para sa mabilis at masusing paghahanap sa kapalit ni Narvasa.

Ang magiging ika-10 PBA Commissioner ay mapapabilang kina Leo Prieto, Mariano Yenko, Rudy Salud, Rey Marquez, Jun Bernardino, Noli Eala, Sonny Barrios, Chito Salud at Narvasa.

Bago ang pagbubukas ng 43rd Season ng PBA noong Linggo ay isinumite ni Narvasa ang kanyang resignation letter kay PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa. Pinakiusapan ng PBA Board si Narvasa na manatili sa PBA office hanggang Disyembre 31.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with