^

PSN Palaro

Harden bumida sa ika-13 sunod na panalo ng Rockets

Pilipino Star Ngayon

HOUSTON — May su­masakit na tuhod, sinabi ni James Harden na muntik na siyang hindi maglaro.

Nang sabihin ng ka­n­i­lang team doctors na mas la­long sasakit ang kanyang tu­hod, ngunit maaari naman niya itong tiisin, sinabi ni­ya na “Let’s go.”

Humataw si Harden ng 31 points at nagdagdag si guard Chris Paul ng 25 mar­kers para tulungan ang Rockets sa 115-111 panalo laban sa Milwaukee Bucks.

“Mentally, this was a big win for us,” ani Paul. “We never let go of the rope. Eve­ry time they made a little push, we stayed right there down the stretch. James was out there, basically, on one leg. The mental toughness we showed as a team is what we take from this game.”

Ito ang ika-13 sunod na arangkada ng Houston na ka­nilang pinakamahaba ma­tapos ang franchise-best na 22-game winning streak noong 2007-08.

Nagsalpak si Harden ng isang step-back three-pointer laban sa depensa ni Malcolm Brogdon at na­kakuha ng foul para sa 11-point lead ng Rockets sa huling anim na minuto sa fourth period.

Sa huling dalawang mi­nuto ay kumonekta naman si Paul ng back-to-back mid-range jumpers para tu­luyan nang talunin ang Milwaukee.

Naglista si Gian­nis Antetokounmpo ng 28 points, 9 rebounds, 5 assists at 4 steals para sa Bucks.

Sa Cleveland, kumolek­ta si LeBron James ng 29 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika- 60 career triple-double at ihatid ang Cleveland sa 109-100 panalo laban sa Utah Jazz.

Ito ang pang-limang tri­ple-double ni James nga­yong season at ikatlo sa ka­nilang huling apat na la­ro para lampasan si Larry Bird sa puwesto sa No. 6 sa career list.

Sa Memphis, umiskor si Kyrie Irving ng 20 points, habang nagdagdag si Jayson Tatum ng 19 points at 9 rebounds para ibigay sa Bos­ton Celtics ang 102-93 panalo laban sa bumubulusok na Grizzlies.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with