^

PSN Palaro

Perez naging professional para sa Movers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Perez naging professional para sa Movers

Tinanggap ni MJ Perez ng F2 Logistics ang kanyang MVP trophy.

MANILA, Philippines — Saludo si F2 Logistics head coach Ramil De Jesus sa kanyang prized-recruit na si Maria Jose Perez ng Ve­nezuela hindi lamang dahil hinirang ang 29-anyos Beijing Olympian veteran bilang Most Valuable Player (MVP) ng season-ending conference kundi sa kanyang professionalism.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay pumanaw ang kanyang nakatatandang kapatid na si Daniel isang araw bago ang deciding Game Three ng best-of-three Finals series kung saan nagwagi ang Cargo Movers laban sa Petron Blaze Spikers, 25-20, 25-20, 20-25, 25-18, noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ayaw ng 6-foot-2 na si Perez na ma-distruct ang buong koponan sa malungkot na balita mula sa kanyang bayan sa Aragua, Venezuela kaya inilihim na lang niya ito. Ang kanyang kapatid ay pumanaw dahil sa sakit na cancer.

“I didn’t shate it with my team. I just smiled at tried to be strong because it’s a championship game and we have to win the game,” sabi ni Perez, miyembro ng Venezuelan na­tional team na tumapos sa 11th place sa 2008 Beijing Olympiad.

Hindi nagpadala ang wing spiker sa kanyang emos­yon at bumanat ng 24 puntos, lahat mula sa atake, para giyahan ang Cargo Movers sa come-from-behind win sa serye at angkinin ang unang Grand Prix title.

Umani ng kabuuang 21 puntos si Perez sa tatlong laro ng Finals kaya hinirang siyang MVP ng season-ending conference at isa sa limang Cargo Movers na nakakuha ng individual honors.

Ang iba ay sina Majoy Baron (2nd best middle blocker), Kim Dy (2nd best opposite spiker), Kim Fajardo (best setter) at Dawn Macandili (1st best libero).

“Saludo ako sa kanya. Very professional si Maria (Perez) kasi kahit kakamatay lang ng kanyang elder bro­ther dahil sa cancer hindi siya nagpakita ng epekto. Hindi ni­ya sinabi sa team, hindi ko nga alam kung papaano ni­ya na-overcome ang pain. Hindi naman siya umiiyak, hin­di nagpakita ng lungkot. Hindi nakaapekto sa kanyang performance,” sabi ni De Jesus.

Tinalo ng 2008 Olympian na si Perez ang 2015 MVP na si Lindsay Stalzer ng Petron at ang Serbian import na si Sara Klisura ng Foton, ang highest scoring player mula sa kanyang 41 puntos sa elimination round, para sa top in­dividual award.

 “I don’t want my teammates to be saddened with the loss of my elder brother,” dagdag ni Perez, inialay ang pa­nalo ng F2 Logistics at ang kanyang MVP trophy sa kanyang kapatid at gusto pang maglarong muli para sa Cargo Movers sa susunod na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with