PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

SMB buwenamano sa Philippine Cup

Inipit nina Justin Chua at Matthew Wright ng Phoenix si San Miguel star center June Mar Fajardo sa ak­syon sa first half. Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Binuksan ng San Mi­guel ang kanilang title defense sa isang magandang panimula.

Nang magtayo ng double-digit lead sa halftime ay hindi na ito isinuko ng Beermen patungo sa 104-96 pag­giba sa Phoenix Fuel Masters sa pagsisimula ng 2018 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtuwang sina four-time PBA Most Valuable Pla­yer June Mar Fajardo, Mar­cio Lassiter at Arwind Santos sa inihulog na 18-4 bomba ng San Miguel para ibaon ang Phoenix sa 103-84 sa huling 2:36 minuto ng fourth quarter.

Sapat na ito para ilista ng Beermen ang kanilang unang panalo at biguin ang coaching debut ni Louie Alas para sa Fuel Masters.

Tumapos ang 6-foot-11 na si Fajardo na may 23 points, 16 rebounds at 4 blocks para pangunahan ang tropa ni head coach Leo Austria.

Nauna nang ipinoste ng San Miguel ang 13-point lead, 53-40, sa pagbungad ng third quarter matapos makalapit ang Phoenix sa 31-36 sa second period.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa Miyerkules ay mag­sa­sagupa naman ang Picanto at Road Warriors sa ganap na alas-4:15 ng hapon kasunod ang bak­ba­kan ng Hotshots at Aces sa alas-7 ng gabi sa San Juan Arena.

Samantala bago ang la­ro ay pumarada sa opening ceremonies bilang muses sina actress Rhian Ramos (Phoenix), Phoemela Bar­randa (Kia) at Ashley Ortega (Blackwater), Ame­rican volleyball player Lindsay Stalzer (San Miguel), cosplayer Myrtle Sarrosa (Barangay Ginebra), da­ting volleyball star Rachel Anne Daquis (NLEX), teen-age actress Taki Saito (Alaska), model Jannie Ali­po-on (Rain or Shine), mo­­del Hilarrie Daniel Paru­ngao (Globalport), beauty queens Laura Lehmann (TNT Katropa) at Maureen Wro­blewitz (Magnolia) at mo­­del Chanel Thomas (Me­­ralco).

Samantala, napunta na­­man sa free agent market sina Carlo Lastimosa, bi­­nitawan ng NLEX, Gary Da­vid, Chris Ellis, Jonas Vil­lanueva, Chris Lutz, Mac­Mac Cardona, De­nok Miranda, John Wil­son, Jeric Teng, Jason Deutchman, Jo­­san Nimes, Keith Jensen at Aaron Aban.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: