^

PSN Palaro

PVL on Tour dadayo sa Laguna

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ngayong araw ang pagbisita ng Premier Volleyball League sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas kung saan darayo sa pagkakataong ito ang grupo sa Sta. Rosa, Laguna.

Pagkakataon ng mga taga Laguna na masila­yan ang kanilang hina­hangaang manlalaro dahil darating ang three-time champion Pocari Sweat, Philippine Air Force, Perlas Spikers, Far Eastern University, San Sebastian College-Recoletos at A­damson University.

Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Falcons sa alas-2 kasunod ang duwelo ng Lady Warriors at Lady Jet Spikers sa alas-4.

Aariba naman ang duwelo ng Perlas Spikers at Lady Tamaraws sa alas-6 ng gabi.

Gaganapin ang mga laro sa Sta. Rosa Sports Complex.

Pamumunuan ni Season MVP Myla Pablo ang Pocari Sweat kasama sina Elaine Kasilag, Gyzelle Sy, Maricar Nepomuceno, Desiree Dadang, Jeanette Panaga at Melissa Gohing.

Lalarga naman para sa Air Force sina Joy Cases, Mary Ann Pantino, Wendy Anne Semana at Mae Antipuesto.

Babanderahan naman ang Perlas Spikers ng mga dating manlalaro ng A­teneo Lady Eagles at UP Lady Maroons habang aariba sa hanay ng Lady Tamaraws ang mga manlalaro nitong naghahanda para sa UAAP Season 80 volleyball tournament na magsisimula sa Pebrero.

Mamumuno naman si three-time NCAA MVP Grethcel Soltones sa panig ng NCAA powerhouse San Sebastian samantalang sasandalan ng Adamson Lady Falcons sina Christine Soyud, Fenela Emnas at May Roque.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with