^

PSN Palaro

Gilas may problema sa availability ng mga players sa 2023 World Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang kakulangan ng mga players ang inaasahang muling magiging problema ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa paghahanda ng koponan para sa 2023 FIBA World Cup.

Dahil sa kanilang kon­trata sa mga mother teams nila sa PBA ay hindi nagkakaroon ang mga players ng tsansang makapagsuot ng uniporme ng Gilas Pilipinas.

Ngunit sa tulong ng isang panukalang batas sa Kongreso ay maaaring mabago ang nasabing kalakaran.

Sinabi ni Antipolo Representative Robbie Puno na kung mabubuo ang naturang House Bill ay puwersado na ang PBA o iba pang mga commercial at collegiate leagues na magpahiram ng kanilang mga players sa national team.

“There are moves we at Congress are looking at,” wika ni Puno, ang vice chairman ng SBP na pinua­mumunuan ni Al Panlilio.

“Aside from the PBA, there are the commercial leagues and the collegiate leagues making their pla­yers available to the natio­nal team,” dagdag pa ng Congressman.

Tinutulungan ng Kongre­so ang SBP kaugnay sa naturalization process ng player na kanilang napili kagaya nina Andray Blatche at Marcus Douthit.

Umaasa naman si Gilas head coach Chot Reyes na makukuha niya ang suporta ng mga PBA team owners para sa pagsabak sa 2023 FIBA World Cup.

Samantala, iginiit ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na ang pinakamahuhusay na players lamang ang dapat ma­ging miyembro ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with