^

PSN Palaro

Pacquiao tablado na kay McGregor

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na muling lalaban si Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor sa ibabaw ng boxing ring.

Kaya naman wala nang tsansa si Manny Pacquiao na sagupain ang Irish fighter para sa isang bo­xing match sa susunod na taon kagaya ng kanyang gustong mangyari.

“He’s not Boxing anyone so calm down cry babies,” sabi ni UFC president Dana White sa kanyang Twitter account tungkol kay McGregor, ang UFC lightweight champion.

Ginawa ng 29-anyos na si McGregor ang kanyang boxing debut noong Agosto kung saan siya pinasuko ni Floyd Mayweather Jr,. via tenth-round stoppage sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kumita si Mayweather ng higit sa $300 milyon, habang $100 milyon ang naibulsa ni McGregor.

Ang nasabing laban ay humakot ng $55 milyon sa live gate pangalawa sa record na $72 milyon ng super fight nina Pacquiao at Mayweather noong Mayo ng 2015.

Ang naturang premyo ang sinasabing gusto ring makuha ni Pacquiao, ipagdiriwang ang kanyang ika-39 kaarawan ngayon.

Nakatakdang itaya ni McGregor ang kanyang UFC lightweight belt laban kay interim titlist Tony Ferguson sa susunod na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with