PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

F2 Logistics reyna ng Grand Prix

Nagdiwang ang F2 Logistics makaraang sikwatin ang korona ng PSL Grand Prix laban sa Petron Blaze sa Game 3 kahapon sa MOA Arena. Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng F2 Logistics ang Petron Blaze sa apat na sets, 25-20, 25-19, 20-25, 25-18 upang tapusin ang best-of-three Finals series sa 2-1 at angkinin ang Grand Prix crown kahapon sa 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ang matin­ding determinasyon, inunahan kaagad ng Cargo Mo­vers ng dalawang sets ang Blaze Spikers at kahit humirit pa ng isang set ang Petron, tinuluyan ng tropa ni coach Ramil De Jesus ang kalaban sa fourth set tungo sa pagsungkit ng kanilang ikalawang titulo, ang una ay sa All-Filipino conference noong 2016.

Ipinakita ng 29-anyos na beterano sa Beijing Olympics na si Maria Jose Perez ng Venezuela ang malakas na atake at blocking para pangunahan ang ikalawang sunod na panalo ng Cargo Movers laban sa Petron kabilang na ang 25-20, 24-16, 14-25, 19-25, 15-4 panalo sa Game 2 noong Huwebes.
Nagwagi ang Petron sa Game 1, 25-14, 25-21, 25-16 noong Martes.

Dahil sa kanyang ma­­tikas na laro hinirang si Perez bilang MVP ng season-ending conference.

Sa tulong nina Cha Cruz, Aby Maraño, Desiree Cheng, Kim Fajardo at Kim Dy, naiganti rin ng Cargo Movers ang kanilang kabiguan sa Petron sa finals mnoong nakaraang 2017 All-Filipino cup.

Mas agresibo ang Cargo Movers mula sa umpisa kaya umangat agad silasa  6-2 na lomobo sa 17-11 bago tinapos ni Perez ang set sa atake, 25-20 sa loob ng 28 minuto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matapos umani lamang ng anim na puntos sa Game 2, ibinuhos na ng team captain na si Cha Cruz ang lahat para umiskor ng 16 puntos kabilang na ang 13 atake at tatlong service aces, ang huli ay nagpa-angat sa Cargo Movers, 23-17 sa fourth set.

Mula sa 11-20 deficit, naibaba nina Hillary Hurley at Lindsay Stalzer ang agwat sa 17-20, ngunit ‘yun na ang huling banat ng Blaze Spikers makaraang humataw uli ng dalawang sunod si Perez na ang huli ay malakas na atake na tumapos sa fourth set sa 28 minuto lamang.

Pagkaraan ng mainit na labanan, napili si Hurley ng Petron bilang 1st Best Outside Spikers at ang kanyang teammate na si Stalzer bilang 2nd Best Outside Spikers habang si Mika Reyes ang 1st Best Middle Blocker at 2nd Best Middle Blocker si Majoy Baron ng F2 Logistics.

Si Fajardo ng Cargo Movers ang Best Setter at si Jaja Santiago ng Foton ang 1st Best Opposite Spiker at si Dy ng F2 Logistics ang 2nd Best Opposite Spiker at si Dawn Macandili ng Cargo Mo­vers ang 1st Best Libero at 2nd Best Libero si Yuri Fukuda ng Petron.

Kinikilala naman ang Serbian import na si Sara Klisura ng Foton bilang Best Scorer in a game sa kanyang league record na 41 puntos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: