^

PSN Palaro

Lim palalakasin ang kampanya ng Perpetual Help sa Season 94

Pilipino Star Ngayon
Lim palalakasin ang kampanya ng Perpetual Help sa Season 94

Frankie Lim

MANILA, Philippines — Kinuha ng University of Perpetual Help System Dalta si multi-titled mentor Frankie Lim bilang consultant sa pag-asang makakatulong ito sa kampanya ng Altas sa nalalabing mga laro sa National Athletic Association (NCAA) Season 93.

“I’ve been appointed as a team consultant last month to help the team and also in recruitment,” pag­babalita ni Lim.

Napaulat na tinanggal na ng NCAA Policy Board ang indefinite ban kay Lim.

Pinatawan ng suspensiyon si Lim nang masangkot ito sa gulo kasama si San Sebastian College volleyball mentor Roger Gorayeb may limang taon na ang nakalilipas.

Binigyan lamang ng isang taong suspensiyon si Gorayeb sa naturang isyu.

Dahil sa apela ng Per­petual Help sa pamama­gitan ng bagong Ma­nagement Committee representativena si  Frank Gusi, nagdesisyon na umano ang NCAA na alisin na ang suspensiyon ni Lim at payagang makakuha ng anumang posisyon sa liga.

Inaasahang maibabahagi ni Lim ang kanyang karanasan para tulungan ang Perpetual sa programa nito partikular na sa tangkang makuha ang u­nang seniors basketball title.

“It’s a good feeling to be back in the NCAA and I hope to help Perpetual Help in a big way. I’m just here as a consultant that was what chairman (Antonio Tamayo) and I have agreed upon,” wika ni Lim na itinangging papalitan sina Nosa Omorogbe at Jimwell Gican sa coaching staff ng Altas.

Sa ilalim nina Omorogbe at Gican, umabot ang Bright Akhuetie-led Altas sa Final Four may dalawang season na ang nakalilipas.

Subalit sa taong ito, tinapos ng Altas ang kanilang kampanya tangan ang 4-14 rekord.

Samantala, hindi na masisilayan si top player Teytey Teodoro sa Jose Rizal U sa susunod na taon.

May isang taon pa sana si Teodoro sa NCAA subalit nagpasya na itong lumahok sa PBA D-League.

“He has one year left but he is no longer with the team,” ani JRU coach Vergel Meneses patungkol kay Teodoro.

Wala na rin sa Bombers sina imports Abdel Pou­tuouchi at AbdulRazak AbdulWahab at local guard Mark dela Virgen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with