^

PSN Palaro

Todo Na’to

Pilipino Star Ngayon
Todo Na�to

Swak sa depensa nina Kennedy Lynne Bryan at Aby Maraño ng F2 Logistics ang kill ni Francess Molina ng Petron sa Game 2 ng PSL Grand Prix. Joey Mendoza

Petron, F2 Logistics agawan sa Korona

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena, Pasay City)

1 p.m. Ateneo  vs UST (Goodwill match)

4 p.m. F2 Logistics  vs   Petron  (Finals: Game 3)

6 pm. Awarding Ceremonies

MANILA, Philippines — Inaasahan ang mainit na pagtatagpo ng top seed F2 Logistics at second seed Petron Blaze ngayong alas-4 ng hapon sa winner-take-all match ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umabot sa deciding Game 3 ang serye matapos bumawi ang Cargo Movers,  25-20, 24-26, 14-25,  25-19, 15-4 sa Game 2 noong Huwebes para maitabla ang championship series, 1-1.  Nagwagi ang Bla­ze Spikers  ni coach Shaq De Los Santos sa Game 1 (25-14, 25-21, 25-16)  noong Martes.

Pinangunahan ng mga beteranong sina Aby Maraño at Cha Cruz ang arangkada ng Cargo Mo­vers sa ika-apat na yugto makaraang naiwanan sa 2-set to 1.

Kahit nag-ambag lamang ng kabuuang 20 puntos sina Maraño at Cruz, sapat na ang kanilang rat­­sada para pasiglahin ang buong tropa tungo sa pagresbak sa kanilang natamong pagkatalo sa Game 1.

Bukod sa hangad na unang Grand Prix title,  gusto ring makabawi ng F2 Logistisc sa Petron sa kanilang kabiguan sa finals sa nakaraang All-Filipino Cup noong Hulyo na humantong sa matinding rivalry ng dalawang koponan.

“Maybe they (Petron) na tapos na ang finals. If you look at it, you may think that it’s already over. But my team refused to call it quits. We managed to stay close in the fourth set to gain momentum in the fifth set,” sabi ni F2 Logistics coach Ramil De Jesus.

Sa kanilang panalo sa Game 2, naniniwala si De Jesus na nasa kanila  ang momentum tungo sa deci­ding Game 3.

Samantala, maghaha­rap ang Ateneo Lady Eagles at University of Sto. Tomas Tigresses sa isang goodwill game sa ala-1 ng hapon sa season-ending confe­rence. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with