^

PSN Palaro

Paul kumana ng 31 points para sa panalo ng Rockets laban sa Hornets

Pilipino Star Ngayon

HOUSTON — Nagpa­sa­bog si point guard Chris Paul ng season-high na 31 points, habang nagdag­dag si James Harden ng 21 markers para pamunuan ang Rockets sa 108-96 pag­gupo sa Charlotte Hornets.

Dumiretso ang Houston sa kanilang NBA-best winning streak sa 11.

Naipanalo ng Rockets ang 17 sa kanilang hu­ling 18 laro para itaas ang ka­nilang record sa 22-4, ang best record ngayon sa liga.

Kumamada ang Houston ng 25 sunod na puntos sa first quarter at sa pagsi­simula ng second period pa­ra makalayo sa Charlotte sa 49-23.

At sapat na ito para tulu­yan nang igupo ng Roc­kets ang Hornets.

Dinuplika ni star center Dwight Howard ang kanyang season high na 26 points bukod pa sa hinablot na 18 rebounds at 3 blocks para sa Charlotte.

Naisuko ng Hornets ang siyam sa kanilang huling 10 laban sapul noong Oktubre 10.

Nagsalpak ang Houston ng 17 three-pointers.

Sa Miami, humugot si Da­mian Lillard ng pito sa kanyang 18 points sa huling 3:16 minuto ng fourth period at nakabangon ang Portland Trail Blazers mula sa 16-point second-half deficit para talunin ang Heat, 102-95.

Tinapos ng Trail Blazers ang kanilang five-game lo­sing slump.

Ang three-point play ni Lillard ang nagbigay sa Portland ng 98-95 abante ka­sunod ang kanyang dalawang free throws para sa ka­nilang five-point lead sa Miami.

Umiskor si CJ McCollum ng 28 points para sa Trail Blazers (14-13).

Sa Indianapolis, ginawa ni Paul George ang kanyang winning return sa Indiana.

Nagsalpak si George ng dalawang free throws sa natitirang 10.7 segundo para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 100-95 panalo laban sa Pacers.

Tumapos ang four-time All-Star forward na may 12 points mula sa 3-of-14 fieldgoal shooting bukod pa ang 2 rebounds at 4 turnovers para sa Oklahoma City.

Kumolekta naman si center Steven Adams ng 23 points at 13 rebounds pa­ra sa Thunder, habang nag­lista si guard Russell West­brook ng 10 points, 17 rebounds at 12 assists para sa kanyang pang-siyam na triple-double ngayong season.

Pinamunuan naman ni guard Victor Oladipo ang Pa­cers mula sa kanyang 19 points.

Nag-ambag ng 15 mar-kers si Bojan Bogdanovic para sa Indiana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with