^

PSN Palaro

SBP hihigitan ang gagawin ng China para sa 2023 World Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapadala ang Sa­ma­hang Basketbol ng Pilipi­nas (SBP) ng isang grupo sa China para mag-obse­r­­ba sa paghahandang isinasa­gawa ng China gayundin sa aktuwal na hosting sa 2019 FIBA World Cup.

Gusto ni SBP president Al Panlilio na makakuha ng ide­ya ang Pilipinas mula sa China na maaaring ma­­ga­­mit upang mas lalong ma­ging matagumpay ang pag­tatayugod ng bansa sa 2023 FIBA World Cup.

“We will form a team to learn what's happening in Chi­na regarding their pre­parations for the 2019 FIBA World Cup. We want send a team to learn from the good things and mistakes they're doing that we can apply to us here when we host the 2023 edition,” pahayag ni Panlilio.

Matapos maipanalo ang bidding ay sisimulan na ng SBP ang preparasyon para matiyak na nasa ayos ang la­hat bago dumating ang mga delegado mula sa iba't ibang bansa.

Sa 32 koponang lalaban sa 2023 FIBA World Cup, kalahati rito ay mag­la­laro sa Pilipinas, habang ang na­titirang 16 teams ay hahatiin sa Japan at Indo­ne­sia na siyang magiging ka­­tuwang ng Pilipinas sa hosting.

Maraming bagay ang da­pat tutukan ng SBP ka­gaya ng billeting ng mga pla­yers at officials gayundin ang trans­portasyon mula sa hotel patungong venue.

Isa ito sa mga tinukoy ng FIBA na kailangang pag­tu­unan ng pansin ng bansa.

Tiniyak naman ni Department of Foreign Affairs Sec­retary Alan Peter Ca­ye­tano na suportado ng pa­­mahalaan ang paghahanda ng SBP sa 2023 World Cup.

Iba na ang administras­yon sa oras na ganapin ang 2023 World Cup sa Pi­lipinas subalit alam ni Ca­yetano na magbubuhos rin ng suporta ang susunod na mamumuno sa bansa dahil ang hosting na ito ay para rin sa ka­pakanan ng Pilipinas.

"This administration and the next (administration) will honor because it's for the country naman. Magiging ka­­paki-pakinabang ito sa bansa. Bakit ba nagho-host ang mga bansa ng ma­lalaking events like World Cup, Olympics? Da­hil magandang exposure ito para mai-promote ang bansa,” ani Cayetano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with