^

PSN Palaro

...Narvasa ‘di pa tiyak ang kapalaran

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bago pa man simulan ang paglulunsad sa 43rd Season ng PBA kahapon sa Okada Manila sa Parañaque City ay inihayag na ni Communications and External Affair Director Willie Marcial na bawal pag-usapan ang isyu kay PBA Commissioner Chito Narvasa.

“Itong press conference ay para sa PBA opening at hindi po natin pag-uusapan ang PBA impasse,” sabi ni Marcial.

Tradisyunal nang nauupo ang mga miyembro ng PBA Board of Governors sa tinatawag na Presidential table kasama ang PBA Commissioner.

Ngunit nanatiling ba­kante ang Presidential table hanggang matapos ang press conference habang nakahiwalay naman ng lamesa si Narvasa.

Sinabi ni outgoing PBA chairman Mikee Romero na siya ang umaayos sa gusot sa pagitan ng majo­rity bloc, binubuo ng TNT Katropa, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Alaska, Phoenix at Blackwater at minority group, kinabibila­ngan ng San Miguel, Barangay Ginebra, Magnolia, Globalport at Kia.

“Hindi natin ine-extend 'yung Martial Law dito. I'm happy that all PBA Governors are all well-represen­ted today,” wika ni Romero, ang team owner ng Globalport. “I think we are a solid group as of this time.”

Dahil sa pagpayag ni Narvasa na matuloy ang trade sa pagitan ng San Miguel at Kia na kinasasangkutan ni Fil-German Christian Standhardinger ay inendorso ng majo­rity bloc na huwag nang big­yan ng panibagong termino si Narvasa bilang PBA Commissioner.

Hindi naman ito kinatigan ng minority group.

Wala pang opisyal na pahayag ang PBA Board kung tuluyan nang ha­hanapan ng kapalit si Narvasa o bibigyang muli ng bagong kontrata.

Wala pang inilalabas na buong iskedyul ang PBA para sa 2018 Philippine Cup na magsisimula sa Linggo at maging ang preparasyon para sa ope­ning ceremonies sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with