^

PSN Palaro

Tuloy ang opening

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tuloy ang opening

Nag-pose ang mga kinatawan ng PBA Boards na sina (mula kaliwa) PBA Governors Rene Pardo (Magnolia Hotshots); Atty. Mamerto Mondragon (Rain or Shine); Ryan Gregorio kinatawan ng Meralco; Magnum Membrere, kinatawan ng TNT Katropa; Erick Arejola at outgoing PBA Chairman Rep. Mikee Romero (Globalport); Dickie Bachmann (Alaska); Incoming PBA Chairman Mon Fernandez (NLEX); Atty. Raymond Zorrilla (Phoenix); Bobby Rosales (Kia); Siliman Sy (Blackwater); Robert Non (SMB) at Al Francis Chua (Ginebra) sa isinagawang press conference para sa 43rd Season ng PBA na magbubukas sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum . Jun Mendoza

SMB, TNT, Ginebra paborito sa finals

MANILA, Philippines — Ang San Miguel, Barangay Ginebra at TNT Ka­tropa ang tatlong koponang inaasahang papasok sa Finals ng darating na 2018 PBA Philippine Cup na magsisimula sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang nagkakaisang opinyon ng mga miyembro ng PBA Board of Governors sa isinagawang press conference para sa 43rd Season ng PBA.

“TNT, Ginebra at San Miguel,” sabi ni SMB go­vernor Ro­bert Non. “TNT, intact 'yung lineup. They have bigs who can match up with June Mar. Same thing with Ginebra, Greg is back in the lineup.”

Ang four-time Most Valuable Player na si Fajardo ang muling magdadala sa kampanya ng Beermen, pinagharian ang Philippine Cup sa nakaraang tatlong sunod na taon, bukod pa sa paglalaro ni No. 1 overall pick Christian Standhardinger sa Mayo ng 2018.

Naging matagumpay naman ang pagbabalik ng seven-footer na si Greg Slaughter sa paghahari ng Gin Kings sa nakaraang 2017 PBA Governor's Cup.

Sina Jayson Castro, Kelly Williams, RR Pogoy, Troy Rosario at Moala Tautuaa ang muli namang ibabandera ng Tropang Texters.

“TNT is a team to beat. SMB hindi pa malakas iyan kasi wala pa si Standhardinger. Second confe­rence pa,” wika ni Ginebra governor Alfrancis Chua.

Ang San Miguel at Ginebra rin ang pinili ni TNT assistant team ma­nager Magnum Membrere bilang mga koponang katatakutan sa Philippine Cup.

“For me, number one San Miguel, Ginebra at sa tingin ko ‘yung NLEX,”  wika ni Membrere.

Ang iba pang pumili sa San Miguel, Ginebra at TNT Katropa ay sina incoming league chairman Ramoncito Fernandez ng NLEX, Rene Pardo ng Magnolia, Mamerto Mondragon ng Rain or Shine, Dickie Bachmann ng Alaska, outgoing chairman Mikee Romero ng Globalport, Bobby Rosales ng Kia, Silliman Sy ng Blackwater at Raymond Zorilla ng Phoenix.

Kaagad itataya ng Beermen ang kanilang korona laban sa Fuel Masters sa alas-6:15 ng gabi sa Big Dome.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with