^

PSN Palaro

Biado bumandera sa Pinoy squad na pumasok sa Last 32

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na Pinoy cue mas­ters ang nagmartsa sa Round-of-32 sa pagsisi­mula ng knockout stage ng prestihiyosong 2017 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Nanguna sa ratsada ng Pilipinas si reigning World Games champion Carlo Biado nang irehistro nito ang 11-6 panalo laban kay Daniel Tangudd ng Sweden sa first round ng torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association at may nakalaang $200,000  premyo.

Makakasagupa ni Bia­do sa second round si Tomasz Kaplan ng Poland na nanaig sa kanyang kababayang si Wojciech Szewczyk sa iskor na 11-9.

Umusad din sina Warren Kiamco, Jeffrey Ignacio at Francisco Felicilda na nagtala ng panalo sa kani-kanilang first-round games.

Pinatalsik ni Kiamco si Kong Dejing ng China, 11-4, habang namayani si Ignacio laban kay Lo Ho Sum ng Hong Kong sa bendisyon ng 11-4 desisyon.

Wagi si Felicilda kay Naoyuki Oi ng Japan, 11-7, sa event na may $30,000  premyo sa magkakampeon at $15,000 naman sa runner-up.

Sunod na haharap si Kiamco laban kay Lin Wu Kun ng Chinese-Taipei na nagtala ng 11-4 panalo kay Hiroshi Takenaka ng Japan samantalang magtutuos sina Ignacio at Felicilda para sa silya sa Round-of-16.

Tatlong pang Pilipino na sina Roland Garcia, Israel Rota at Jeffrey De Luna ang magtatangkang humirit ng puwesto sa Round-of-32.

Lalarga si Garcia laban kay Mohammad Al Amin ng Bangladesh, aariba si Rota kontra kay Liu Haitao ng China at makakatipan ni De Luna si Maksim Dudanets ng Russia.

Ipatutupad sa main draw ang race-to-11, alternate break habang magi­ging race-to-13 naman ang championship round.

Hindi pinalad na makapasok sa susunod na yugto si All-Japan 10-Ball Championship winner Johann Chua nang matalo ito kay Maung Maung ng Myanmar, 3-9.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with