Triple-header sa NCRAA cagefest
Laro Ngayon (TIP Gym, Manila)
10 a.m. New Era vs TIP
12 nn Olivarez College vs PSBA-QC
2 p.m. De Ocampo vs Saint Francis
MANILA, Philippines — Magtatagpo ang New Era University at Technology Institute of the Philippines habang maghaharap naman ang Olivarez College kontra sa Philippine School of Business Administration-Quezon City ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 Sta. Lucia Land-NCRAA men’s basketball tournament sa TIP Gym sa Maynila.
Haharapin ng New Era ang host TIP Engineers sa alas-10 ng umaga habang magtatagpo ang Olivarez College-Parañaque at PSBA-QC sa alas-12 ng tanghali at maglalaban sa huling laro ang De Ocampo College at St. Francis Assisi sa alas-2 ng hapon.
Nanatiling malakas pa rin ang tiwala ng De Ocampo Cobras matapos walisin ang kanilang pitong laro sa elimination round bago natalo sa Colegio de San Lorenzo Doves sa finals noong nakaraang taon.
- Latest