^

PSN Palaro

Towns, Butler humataw sa Timberwolves

Pilipino Star Ngayon
Towns, Butler humataw sa Timberwolves

Dumakdak si Karl-Anthony Towns ng Timberwolves laban sa Ma­vericks sa NBA.

MINNEAPOLIS - Humakot si Karl-Anthony Towns ng 28 points at 12 rebounds  habang humugot si Jimmy Butler ng 10 sa kanyang 22 markers sa fourth quarter para ihatid ang Minnesota Timberwolves sa 97-92 panalo kontra sa Dallas Mavericks.

Ito ang ika-21 double-double ni Towns ngayong season para sa Minnesota, nagtala ng 18 turnovers ngunit tumipa ng apat na free throws sa dulo ng fourth period para takasan ang Dallas.

Nagdagdag si Jamal Crawford ng 16 points mula sa bench para sa Timberwolves.

Pinamunuan ni Harrison Barnes ang Mavericks, nalasap ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan, mula sa kanyang 19 points, samantalang umiskor si Maxi Kleber ng career high na 16 markers.

Kumamada si guard J.J. Barea ng 14 sa kanyang 16 points sa second half, kasama ang dalawang free throws sa huling 24.9 segundo ng final canto para sa 93-92 abante ng Dallas.

Ngunit tumipa sina Crawford at Taj Gibson ng tig-dalawang free throws para selyuhan ang ikatlong panalo ng Minnesota sa huling apat na laro.

Sa Detroit, humakot si center Al Horford ng 18 points, 9 rebounds at 6 assists, habang nagdagdag si guard Kyrie Irving ng 16 markers para tulungan ang Celtics sa 91-81 panalo laban sa Pistons.

Nag-ambag sina Marcus Smart at Jaylen Brown ng tig-12 points para sa Boston, nalimitahan ang Detroit sa season low sa points scored at field goal percentage.

Sa Indianapolis, humataw si Victor Oladipo ng career-high 47 points para igiya ang Indiana Pacers sa 126-116 overtime win laban sa Denver Nuggets.

Iniskor ng Pacers ang huling 8 points sa regulation para makatabla sa Nuggets sa 114-114 sa natitirang 5.5 segundo patungo sa extra period.

Sa Sacramento, kinuha ng Toronto Raptors ang kanilang ikaanim na sunod na panalo matapos ang 102-87 paggiba sa Kings.

Tangan ngayon ng Raptors ang third-best record sa Eastern Conference.

Sa New Orleans, sinakyan ng Pelicans ng 18-4 arangkada sa fourth quarter para talunin ang Philadelphia 76ers, 131-124.

Nagsalpak si Jrue Holiday ng tatlong three-pointers sa ratsada ng Pelicans sa final canto at tumapos na may 34 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with