^

PSN Palaro

Pinay lifters kumana uli ng 4 ginto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humirit pa ang national powerlifting team ng apat na gintong medalya sa 2017 Asian Classic Po­werlifting Championship na ginaganap sa Ramada Hotel activity hall sa Alappuzha, Kerala sa India.

Nagparamdam din ng puwersa si Daisy Grace Lipasana matapos umani ng dalawang gintong medalya sa women’s 57 kgs. sub-junior category habang kumana rin ng dalawang ginto si world record holder Anita Koykka sa women’s 52 kgs. open division.

Maliban sa dalawang ginto, may limang pilak at tatlong tanso pang nakuha ang Pinay lifters.

Nakadalawang pilak si Lipasana habang may tatlong pilak naman si Jessa Mae Tabuan sa women’s 43 kgs. sub-junior event. Galing naman ang mga tanso kina Koykka at Ro­wella Abrea (women’s 52 kgs. sub-junior).

Sa kabuuan, mayroon nang 12 ginto, anim pilak at tatlong tanso ang Pilipinas sa torneong inorganisa ng Asian Powerlifting Federation (APF) at International Powerlifting Federation (IPF).

Nauna nang nakahirit ng gintong medalya sina Tacloban City standout Veronica Ompod sa women’s sub-junior under-43 kg. division kung saan nagbulsa ito ng tatlong ginto tampok ang dalawang bagong world record sa deadlift (120 kgs.) at total (365 kgs.), ang isang pilak na medalya sa bench press.

Wagi naman ng apat na ginto si Leslie Evangelista sa women’s 47 kg. open at isa galing kay Tabuan sa women’s 43 kgs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with