^

PSN Palaro

Malditas ka-grupo ang China

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang nakahi­nga ng maluwag ang women’s national football team dahil napunta ito sa magandang grupo sa Asian Football Confederation (AFC) Women’s Asian Cup 2018 base sa isinagawang draw noong Sabado sa King Hussein Bin Talal Convention Center sa Jordan.

Makakasama ng Malditas ang China, Thailand at Jordan sa Group A.

Kasalukuyang nasa ika-13 puwesto ang China habang ika-29 naman ang Thailand at ika-50 ang Jordan.

Hawak naman ng Pilipinas ang ika-70 puwesto sa Asian ranking.

Nakaiwas ang Malditas sa Group B na binubuo ng malalakas na koponan kabilang na ang No. 6 Australia at No. 8 Japan.

Nasa naturang grupo rin ang South Korea at Vietnam.

Ngunit hindi pa rin magiging madali ang trabaho ng Malditas.

Nagmamay-ari ang China ng walong titulo habang nagkampeon na rin ang Thailand noong 1983.

Magsisimula ang group stage sa Abril 6 kung saan ang dalawang mangungunang tropa sa bawat grupo ang papasok sa knockout stage.

Magsisilbi itong quali­fying tournament para sa 2019 FIFA World Cup for Women.

Nakapasok ang Pilipinas sa Asian meet matapos pumangalawa sa qualifying round tangan ang tatlong panalo, isang draw at isang talo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with