^

PSN Palaro

SBP bubuo na ng plano

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
SBP bubuo na ng plano

Nag-pose sina (mula kaliwa-pakanan) Yuko Mitsuya, Japan Basketball Association president at FIBA Central Board member; SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan at Erick Thohir ng Indonesia matapos ibigay ang hosting ng 2023 FIBA World Cup.

Para matiyak ang tagumpay ng 2023 World Cup

MANILA, Philippines — Ilalatag ng Pilipinas ang pulang karpet para sa world-class basketball players na darating sa Maynila sa oras na itaguyod ng bansa ang prestihiyosong 2023 FIBA World Cup.

Anim na taon pa bago ang World Cup ngunit ngayon pa lang, siniguro na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang mainit na pagtanggap ng Pilipinas sa mga kalahok sa torneo.

Nagbiro pa si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na magarbo ang gagawing hosting ng bansa gaya ng pagtanggap ng Pilipinas sa Santo Papa.

“It’s like the Pope coming to Manila. When the Pope came down a couple of years back, we had about 6 million people lining out on the streets under the heat of the sun and under heavy rain,” ani Reyes.

Magiging malaki aniya ang papel ng milyun-milyong Pinoy fans upang masiguro na magiging matagumpay ang pagtataguyod ng bansa ng World Cup.

Ipaparamdam ng mga Pilipino ang mainit na pagtanggap gayundin ang pagbahagi sa kultura at tradisyon ng Pilipinas.

“Like we always say, in the Philippines basketball is a religion and so there are a lot of believers, a lot of followers and for the sport’s biggest competition to come to our country is really special for us,” dagdag ni Reyes.

Magiging katuwang ng Pilipinas sa hosting ang Japan at Indonesia na siya namang magtataguyod ng ilang group stage games.

Matapos ang bidding, isesentro na ng SBP ang atensiyon sa pagbuo ng plano upang matiyak ang matagumpay na hosting.

“A lot of preparation and effort went into the bid. Now the real work begins. We have to come together to make sure that we’re able to host and conduct a really great tournament,” sambit ni Reyes.

Pangunahing pagtutuunan ng pansin ng grupo ang venues.

Walang iba kundi ang Philippine Arena ang magsisilbing main venue ng torneo na siyang gagamitin sa finals habang nakalinya rin ang Mall of Asia Arena sa Pasay City, Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at Philsports Arena sa Pasig City.

Bukod sa venues, pipili na rin ang grupo ng magiging official billeting habang tututukan din ang seguridad para sa kaligtasan ng mga delegado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with