PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinoy lifters bumuhat ng 8 ginto sa India meet

MANILA, Philippines — Maagang nagparamdam ng lakas ang Pinoy powerlifters nang bumuhat ito ng walong gintong medalya tampok ang dalawang bagong world rekord sa 2017 Asian Classic Powerlifting Championship na ginaganap sa Ramada Hotel activity hall sa Alappuzha, Kerala sa India.

Nanguna sa ratsada ng Pinoy squad si Veronica Ompod nang magrehistro ito ng 120 kgs. sa deadlift, 95 kgs. sa squat at total na 365 kgs. para masungkit ang gintong medalya sa naturang mga kategorya sa women’s sub-junior under-43 kg. division.

Ang kanyang naitala sa deadlift at total ang magsisilbing bagong world record base na rin sa anunsiyo ng Asian Powerlifting Federation (APF) at International Powerlifting Federation (IPF) na siyang nagpapatakbo sa torneo.

“A talent to watch in the years to come Veronica Ompod of the Philippines, lifted 120 kgs. for her last deadlift to break both the world records in deadlift and total for the women’s under-43 kg. sun-junior,” pahayag ng APF.

Nagkasya naman sa pilak si Ompod sa bench press nang bumuhat ito ng 50 kgs. subalit napunta pa rin sa Pilipinas ang ginto dahil nanguna sa naturang kategorya ang isa pang Pinay lifter na si Jessa Mae Tabuan.

Nagdagdag din ng apat na gintong medalya si Leslie Evangelista buhat naman sa women’s 47 kg. open category.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: