PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

San Miguel vs Phoenix sa pba opening

MANILA, Philippines — Kaagad sisimulan ng San Miguel ang kanilang pagtatanggol sa korona sa pagdribol ng 2018 PBA Philippine Cup sa Disyembre 17 sa Smart Araneta Coliseum.

Lalabanan ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters sa nag-iisang laro sa alas-6:15 ng gabi matapos ang simpleng opening ceremonies.

Inilabas kahapon ng PBA ang iskedyul para sa unang anim na pla­ying dates ng 2018 PBA Philippine Cup sa gitna ng kawalan pa rin ng solusyon ng mga miyembro ng PBA Board of Governors sa pamamahala ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Muling aasahan ng Beermen ni coach Leo Austria sina four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Chris Ross at Marcio Lassiter  habang gagawin ni Louie Alas ang kanyang debut bilang bagong coach ng Phoenix kapalit ni Ariel Vanguardia.

Maghaharap naman sa Disyembre 20 ang NLEX, ipaparada si rookie Kiefer Ravena  at Kia sa alas-4:15 ng hapon kasunod ang laban ng Magnolia (dating Star) at Alaska sa alas-7 ng gabi sa San Juan Arena.

Sa Disyembre 22 ay maglalaban ang Blackwater at Meralco sa alas-4:15 ng hapon kasunod ang pagtutuos ng TNT Katropa at Rain or Shine sa alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Magbabalik naman ang PBA sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Araw ng Pasko para sa ‘Manila Classico’ ng Barangay Ginebra at Magnolia sa alas-5:15 ng hapon matapos ang laro ng NLEX at Globalport sa alas-3.

Samantala, nilusutan ng Batang Pier ang Hotshots, 83-80 sa kanilang tune-up game kahapon sa Claret School sa Quezon City.

Tumipa si Fil-Am guard Stanley Pringle ng 18 points, 10 assists, 5 rebounds at 2 steals para sa Globalport na muling hinawakan ni coach Pido Jarencio kapalit ni Franz Pumaren.

Nag-ambag si Ryan Araña ng 16 markers, 3 boards at 2 assists para sa Globalport.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: