PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Wizards ibinalik ni Beal sa porma

Tinangkang supalpalin ni Jusuf Nurkic ng Trail Blazers si Bradley Beal ng Wizards sa aksyong ito sa NBA.

PORTLAND, Ore — Nagposte si shooting guard Bradley Beal ng isang career high at ibinangon ang Washington Wizards mula sa isang kahihiyan.

“I've been thinking way too much,” sabi ni Beal matapos umiskor ng career-high na 51 points at tulungan ang Wizards na kunin ang 106-92 panalo laban sa Trail Blazers. “Tonight I was just playing freely and having fun.”

Bumalikwas ang Washington mula sa 69-116 kabiguan sa Utah Jazz noong Lunes.

Ang nasabing kabiguan ng Wizards ang second-largest losing margin sa kanilang franchise history.

Tumipa si Beal ng career-high na 21 field goals laban sa Blazers kasama ang limang three-point shots at ibinigay sa kanyang koponan ang 23-point lead.

Muling naglaro ang Wi­zards sa ikaanim na sunod na pagkakataon na wala si All-Star guard John Wall.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tumapos naman si Damian Lillard na may 30 points, 8 rebounds at 9 assists para sa Portland, nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan sa kanilang tahanan matapos ang 4-1 road trip.

Sa Oklahoma City, ipinoste ni Russell Westbrook ang kanyang pangatlong triple-double sa huling limang laro matapos maglista ng 34 points, 14 assists at 13 rebounds at akayin ang Thunder sa 100-94 panalo laban sa Utah Jazz.

Ang six-time All-Star ay mayroon nang pitong triple-doubles ngayong season.

Nagdagdag si Paul George ng 21 markers, habang si center Steven Adams ay naglista ng 20 points mula sa nine-of-10 fieldgoal shooting at hu­mablot ng zrebounds.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Oklahoma City (11-12) na lahat ay laban sa kanilang mga playoff contenders.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: